~•Good friends are like stars. You don't always see them but you know they are always there.•~
-Anonymous
*BRYLE'S POV*
Minulat ko ang aking mga mata nang maisara niya ang pinto.
Kinapa ko ang labi ko.
Hanggang ngayo'y ramdam-ramdam ko pa ang halik at yakap niya, parang hindi ito naalis sa pakiramdam ko.
Hindi ko alam kung bakit ganito at kung bakit parang may bagay siyang iniwan sa katawan ko na hindi maalis-alis sa aking pakiramdam.
Yung mga yakap niya.
Yung mga halik.
Parang lahat ng 'yon ay isang alak na patuloy akong linalasing.
Ang init.
Ang hagod sa aking lalamunan.
Ang pinaghalong pait at tamis.
Lahat ng 'yon ay patuloy na hinahanap-hanap ng katawan ko.
Hindi ko maintindihan kung ano ang nararamdaman ko at kung bakit ko nararamdaman 'to.
Madalas pinagtutulakan, sinisipa at kinakaladkad ko siya 'wag ko lang siya makita dahil sa tuwing makikita ko ang mukha niya, hindi na ito naaalis sa isip ko.
Buong araw niyang ginugulo ang isipan ko.
At may mga pagkakataon din na tulad ngayon na hinahanap hanap siya ng sistema ko.
Buti nalang marunong akong magpigil at kapag hindi ko na makayanan ay sumasabog ako tulad na lamang ng nangyari kagabi.
Bumangon ako at pumunta sa harap ng salamin na pintuan sa tapat ng veranda. Pinagmasdan ko ang paligid.
Nagsisimula palang ang araw pero ang dami nang gumugulo sa isip ko.
'I love you, baby'
Bakit niya sinabi ang mga salitang 'yon?
Bakit niya 'ko hinalikan?
Bakit niya ginawa 'yon?
Matapos ang lahat ng ginawa ko sakanya? Lahat ng pagpapahirap, malalakas na sampal at suntok, at mga maruruming salita na binigay ko sakanya'y dapat kamurian niya ko, kagalitan, murahin at isumpa pero sakabila no'n nagawa niya pa kong halikan at yakapin.
At ang mga 'yon ang patuloy na gumugulo sa isip ko.
Yung halik niya, hanggang ngayo'y nanunuot parin sa labi ko.
Bakit, Angela?
Bakit mo ginagawa ang lahat ng 'to?
Ano ba'ng pinaplano mo?
"Since hindi mo naman kayang gawin ang binigay ko sayong trabaho, sa iba ko nalang 'to ipagagawa.'Wag mong ipagpilitang gawin ang isang bagay na hindi mo kayang gawin, magmumukha ka lang desperado." napatingin ako kay dad sa sinabi niya.
Hindi pa naman tapos yung deal. Kayang kaya ko pa isara 'yon.
At hindi totoo ang sinabi niyang hindi ko kayang gawin ang trabahong 'yon dahil alam kong kaya ko, masyado niya lang akong minamaliit kaya ganun.
"But----"
"No more buts!!!"
Wala na akong nagawa pa.I just shook my head.
BINABASA MO ANG
Possessive Nights (Completed)
RomanceAngela is the wife of renowned business tycoon, whom she left two years ago. A lot of drama circulated in her life these past few years until that night happened. She became the victim and a subject of bidding in a casino named Casa Del Valle. Every...