~•Everybody knows how to love but few people know how to stay in love with one person forever.•~
-Anonymous
*ANGELA'S POV*
5th month......Makalipas ang ilang buwan marami nang nangyari, marami nang nagbago at patuloy na nagbabago ang lahat habang dumadaan ang mga araw.
Maniniwala ba kayo na si Shan at Blaze ay mag-ON na ngayon. Actually, noong nakaraang buwan pa daw sinagot ni Shan si Blaze, aksidente lang silang nakita nila Blood at Wayne na naglalampungan sa loob ng ICU, ang epic 'di ba.
Sila Blood at Blaze medyo naging busy narin nitong mga nakaraang buwan dahil pareho nang tinake over sakanila ang mga sarili nilang kompanya, sila na ngayon ang humahawak at nakaupo sa mga tanyag na kompanya na binuo ng mga pamilya nila. Kahit na busy hindi naman sila nakakalimot na dumalaw dahil may pustahan sila ng barkada na kung sino ang laging absent siya ang magbabayad ng kakainin namin buong buwan.
At si Brent eto, lagi parin silang nag-aaway ni Xavier. Pina-cancel niya na ang contract niya sa Europe dahil gusto niya daw akong makasama hanggang sa pinakahuling hininga ko.
Sinabi ko na 'wag niya ituloy 'yon pero itinuloy niya parin."Kapag namatay ka, ipapa-preserve ko ang katawan mo at pagagawan kita ng museum sa loob ng bahay ko."
Haha. Parang sira 'di ba.
Tapos pinag-aagawan pa nila kung kanino daw mapupunta ang bata. Nakalimutan nila na nandito pa si inay kaya puro sermon tuloy ang inaabot nila kapag pinagtatalunan nila 'yon.
Si Xavier naman, pareho lang sila ni Brent, lagi lang siya sa tabi ko. Hanggang ngayon hindi niya parin tanggap ang naging desisyon ko kaya madalas siyang nakasimangot at laging bugnutin pero hindi parin siya nakakaligtas sa pangungulit ng mga hype kong kaibigan kaya minsan kahit inis na inis na siya'y napapatawa nalang siya bigla.
Samantalang si inay, pinipilit ihanda ang sarili niya sa nalalapit na pagkawala ko. Siya ang kaagapay ko ngayon sa lahat ng bagay, hindi siya nawawala sa tabi ko gaya ng hindi ko pag-iwan sakanya noong siya ang nasa posiyon ko. Hindi naman siya mahihirapan palakihin ang bata dahil nandiyan naman ang mga kaibigan ko para tumayong mga ama at ina nito. Malaki ang tiwala ko kay inay at kampante ako na hindi niya pababayaan ang anak ko.
"May mawawala pero may papalit, asahan mo na palalakihin ko siya ng mabuti at may takot sa Diyos gaya ng pagpapalaki ko sayo." inay.
Naniniwala ako kay inay. Ngayon alam ko na lalaki ang anak ko na may likas na kabutihan sa puso niya.
At ako.
Kamusta na ba ako?
Eto ako ngayon, kinakaya ang buhay na wala si Bryle sa tabi ko. Pinipilit kong maging matapang para sa anak ko. Hinding-hindi ako makapapayag na aalis ako dito sa mundo nang hindi nabibigyang buhay ang simbolo ng pagmamahalan namin Bryle. Habang buhay ang batang ito'y mananatiling buhay ang pagmamahalan namin.
At pagdating ng panahon, umaasa ako na magkakasama pa sila ng anak namin. Mangyari lang ang araw na 'yon masaya na'ko.
6th month......
Malaki na ang tiyan ko at sinabi ng doctor na sa kabila ng kalagayan ko ay malusog naman ang bata. Tuwing naiisip ko 'yon hindi ko nararamdaman na malapit na akong mawala. Ito lang nagpapasaya sa'kin kapag nalulungkot ako bagamat minsa'y hindi maiwasang sumagi sa isipan ko na hindi ko man lang masusubaybayan ang paglaki ng anak ko.
BINABASA MO ANG
Possessive Nights (Completed)
RomanceAngela is the wife of renowned business tycoon, whom she left two years ago. A lot of drama circulated in her life these past few years until that night happened. She became the victim and a subject of bidding in a casino named Casa Del Valle. Every...