~•There is always one person in a relationship who loves more, cries more, get hurt most and even forgives more.•~
-Anonymous
Flashback Part 3
*ANGELA'S POV*
Madilim.
Tahimik.
Ngunit punong puno ng tensyon ang namamayani sa bawat sulok ng aming bahay unang pagtapak ko palang dito.
Kaunting liwanang lamang mula sa isang lampshade na nasa tabi ng sofa ang siyang nakikipaglaban sa dominadong dilim na naghahari sa buong paligid.
Ang tensyon ay nasamahan ng kaba lalo na nang makita ko si Bryle na nakaupo sa sofa habang may hawak na isang baso ng alak, nakatuon lang ang tingin nito sa isang direksyon. Alam kong ramdam niya ang presensya ko at hinihintay ko lamang siya na magbitaw ng salita ngunit dumaan ang ilang minuto tanging paglagok lamang niya ng alak ang nagmistulang boses sa mga sandaling naghahari ang katahimikan.
"Buti pa ang aso marunong umuwi pero ikaw, tsss." tumayo ito at nagsalin ng alak mula sa bote ng whiskey.
"Sorry Bry_____"
"Sorry!? Tss." putol nito. "Sige, matatanggap ko ang sorry mo pero ang hinding hindi ko matatangap ay yung pinaghintay mo 'ko sa wala."
Mahinahon lang ang mga binitiwan niyang salita pero ramdam ko na punong-puno ito ng galit.
Inasahan kong ganito talaga ang mangyayari pero iba ang inaasahan sa aktuwal na sitwasyon, mas malala ito, doble ang kaba, triple ang tensyon. At kung anuman ang mangyari ngayon, kasalanan ko 'yon.
Masakit nga namang maghintay sa wala.
"Pinagmukha mo akong tanga, Angela." madiin ang mga salitang binitawan niya na wari'y gusto nang kumawala ng galit sa loob niya. "Nagmukha akong tangang naghihintay sa taong nagpapakasaya sa piling ng iba." napatingin ako sakanya.
Ngumiti ito ng mapait at muling ininom ang hawak nitong baso ng alak. Ni hindi nito magawang tumingin sa'kin ng deretso.
"Bryle, nagkakamali ka."
"Oh come on Angela, hindi ako tanga at huwag mo ako gawing tanga."
"Bryle!"
"HINDI BA TOTOO NA KASAMA MO YUNG PU*TANGINANG LALAKING YUN, HAH?" halos mapatalon ako sa gulat nang magtaas siya ng boses. Tuluyan ng sumabog ang galit sa loob niya.
"B-bryle, l-let me explain first." lumapit ako sakanya at hinawakan ang kanyang braso ngunit tinabig niya lamang ito.
Tumalikod siya sa'kin at linagok ang natitirang alak sakanyang baso.
"You wasn't deserve any explanation pero hindi naman ako ganun kadamot para hindi yun ibigay sayo pero hindi rin ako ganun katanga para paniwalaan ka sa kung anuman ang gusto mo sabihin."
BINABASA MO ANG
Possessive Nights (Completed)
RomanceAngela is the wife of renowned business tycoon, whom she left two years ago. A lot of drama circulated in her life these past few years until that night happened. She became the victim and a subject of bidding in a casino named Casa Del Valle. Every...