CH.28 King Cobra vs. Mariang Mapalad

4.8K 76 0
                                    

~•No two on earth in all things can agree. All have some daring singularity.•~

-Anonymous




*ANGELA'S POV*




Kaaalis ko lang galing sa ospital nang bigla akong makaramdam ng gutom, hindi na kasi ako nag-almusal kanina dahil kailangan ko na bumalik sa bahay ni Bryle upang may makatulong si Manang Martha sa mga gawaing bahay. May edad na si Manang at may mga bagay na hindi niya na dapat ginagawa pero hindi ko na talaga kayang tiisin ang gutom lalo na nang mapahinto ako sa tapat ng isang restaurant. Halos maglaway ako nang makita ko ang karatula ng recipe of the month nila na naka-display sa entrada.

Arrrgh! Hindi ko na talaga kaya! Gutom na gutom na talaga ako.

"Pasensya na manang pero gutom na gutom na talaga ako." sabi ko bago ko dali-daling pinasok ang loob ng restaurant at agad na inorder ang pinagmamalaki nilang honey glazed fried chicken.

"Here's your order ma'am!" sabi sa'kin ng waitress dala ang inorder ko.

"Wow! Ang sarap nito." takam na takam na sabi ko nang ilagay ng waitress ang mainit-init pang fried chicken sa harap ko.

Linasap ko muna ang amoy nito bago ko kinuha ang chicken leg na favorite part ko ng chicken kaso isusubo ko palang ito nang biglang may mga lalaking pumasok dito sa loob ng restaurant na tumawag ng pansin ko. Mukhang mga businessman ang mga ito dahil naka-suot sila ng business suit pero ang mas kumuha ng atensyon ko ay ang isang lalaki na kasunod ng mga ito.

"B-bryle!?" nahulog pa ang hawak kong chicken leg nang makita ko siya.

Kumunot agad ang noo niya nang magtama ang mga mata namin kaya wala ako ibang ginawa kundi mag-iwas ng tingin, siguro nagtataka siya kung ano ang ginagawa ko dito. It's the first day of the week and I should be at his house doing my work.

Kinuha ko ang menu at aligaga itong itinakip sa mukha ko."Anong ginagawa niya dito?" sabi ko sabay subo sa pagkain ko.

Hanggang dito ba naman sinusundan ako ng demonyo. Haisst, buhay nga naman.

Dahan-dahan kong iniliwas ang menu para saglit na sumilip sa table nila, mukhang umo-order na sila ng pagkain pero napansin ko na hindi nila kasama si Bryle.

"Nasaan na 'yon!?" bulong ko.

Binaba ko ang menu para hanapin si Bryle sa paligid pero hindi ko na siya makita. Naka-ilang ikot na ako sa mata ko pero wala talaga siya kaya inisip ko na baka nag-banyo lang ito.

"Are you looking for me!?" I almost fell in my chair when there's someone suddenly outspoke in front of me.

"Diyos ko, Bryle? Aatakihin ako sa puso sayo!" sabi ko sakanya habang gulat na gulat parin. Well, how do you react when the person you avoiding to see suddenly appeared before you?

"What are you doing here!?" he asked seriously.

"Isn't obvious? malamang kumakain, restaurant 'to e." pabalang na sagot ko bago ko pinagpatuloy ang pagkain sa chicken leg na hawak ko pero bigla niyang hinawakan ang aking kamay dahilan para maudlot na naman ang unang kain ko ngayong araw.

"Bakit ka nga nandito!? yung totoo!" he said with full authority.

"E sa yun ang totoo e, bigla akong nagutom kaya pumunta ako dito para kumain, that's it!"

Tanong ng tanong pero ayaw naman maniwala. Kapag ba nagutom ako, big deal na sakanya? 'Yan ang hirap sa mga lalaki e, lahat nalang binibigyan ng kahulugan daig pa nila ang dictionary.

Possessive Nights (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon