CH.2 Change

11K 212 7
                                    

~•Expectation is the root of all heartache•~

-William Shakespeare






*ANGELA'S POV*




Minulat ko ang mga mata ko nang may mapansin akong tao na nakatitig sa'kin. Natulog ako ng nakasalampak sa sahig habang nakadukdok naman ang ulo ko sa sofa. Hindi ko inakala na makakatulog ako sa ganoong posisyon. Dala narin siguro ng pagod at kaiiyak kaya siguro hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Saglit kong kinuskos ang mata ko upang makita ko nang mabuti kung sino ang taong nakatayo sa gilid ko.

"B-Bryle!" iyon ang unang lumabas sa bibig ko nang makita ko siyang nakatayo sa aking gilid, naka-cross arm pa ito habang masinsinang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung para saan ang mga titig niya at kung bakit siya nakatayo sa tabi ko.

Mabilis akong tumayo at humarap sakanya, nakatingin parin ito sa akin habang tikom parin ang bibig.

Tumibok naman ng mabilis ang dibdib ko nang mapansin ko na nakikipagtitigan na pala ako sa kanya.

Siya ang unang kumalas sa titigan namin.

Yumuko ako dahil nakaramdam ako ng hiya at batid ko na nangangamatis na ang mukha ko sa pula dahil biglang nag-init ang pakiramdam ko.

"Eherm!!!" pasubali nito. "Hindi ba nakakabastos para sa'kin na tawagin mo ako sa pangalan ko as matter of fact na ako ang amo mo." malamig na turan niya.

Oo nga pala, I'm just his slave and he's my boss.

"S-sorry po, Sir!" pormal na tugon ko.

"Simula ngayon, ikaw ang gagawa lahat ng gawain dito sa bahay." linuwagan nito ang kanyang necktie at inayos sa pagkakakabit ang kanyang relo. "Wala ka ding makakatulong sa mga gawing bahay dahil sa isang buwan pa ang balik ni Manang Martha."

Speaking of Manang Martha, nasaan pala siya?

"Bry___Sir. Nasaan nga po pala si Manang Martha?" tanong ko.

"Umuwi siya sa Romblon dahil binyag ng apo niya, kaaalis niya lang noong isang araw." malamig na tono nito.

Kaya pala kagabi ko pa siya hindi nakikita.

Napansin ko na medyo tumataas na ang araw kaya bigla kong naalala na hindi pa pala ako nakakapagluto ng almusal, 'yon kasi ang palagi kong ginagawa dati. Panigurado hindi pa siya kumakain ng breakfast.

"Uhm...sir, magluluto muna po ako ng breakfast bago kayo umalis." naglakad ito papuntang kusina at ganun din ang ginawa ko, ininom nito ang isang tasa ng kape na nakapatong sa dinning table.

Possessive Nights (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon