~•Losing a part of yourself is much easier than losing the one you love.•~
-Anonymous
*ANGELA'S POV*
"Bryle!!!?" sabi ko habang gulat na gulat na nakatitig sakanya. Tumigil ang lahat sa akin nang makita ko siya, ang paghinga ko, ang pagtulo ng mga luha ko at ang pag-ikot ng mundo ko. Huminto ang lahat maging ang pagtibok ng puso ko.
Gusto ko siya yakapin ngayon, gusto ko siya halikan pero hindi ko magawa. Hindi naman iyon ang sadya niya, narito siya para maghiganti at parusahan ako sa lahat ng nagawa ko.
"Uuwi na tayo." sabi niya bago niya hinawakan ng mahigpit ang braso ko. Sinabi niya iyon ng mahinahon pero kita ko parin ang panggigigil sa mukha niya.
Hindi ako kumilos nang hilain niya ako paalis, napahinto siya sa ginawa ko sabay tingin sa'kin ng masama. "Bryle!" ako.
"Sabi ko uuwi na tayo!!!" he said with authority in his voice. I tried to get my arm out of his grip.
He frowned as I shake my head.
"Hindi mo ba naiintindihan!? SABI KO UUWI NA TAYO!!!" pinagtaasan niya na 'ko ng boses pero sa pangatlong pagkakataon ay tinitigan ko lamang siya. Batid ko ang takot na naglalaro sa loob ko pero kailangan ko tatagan ang sarili ko, hindi dapat ako matinag. Buo na ang desisyon ko nang pumunta ako dito kasama si Xavier.
Masakit man sa'kin.
Mabigat man sa loob ko pero kailangan ko gawin ito para sa ikabubuti ng mga buhay namin. He was about to start a new life with Trixie and I should have a new start too, not with him but to Xavier who make this escape possible.
"H-hindi na 'ko uuwi sa b-bahay mo, hindi na 'ko sasama sayo, Bryle." my voice starts to tremble because of fear pero sinisikap ko maging matibay sa mga oras na 'to.
Slap!
Isang malakas na sampal ang lumapat sa aking pisngi dahilan upang sumubsob ako sa sahig. Oo, masakit but I need to be strong, I need to control my emotion, kung kinakailangan ko magpakamanhid gagawin ko.
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo?" lumuhod siya at sinabunutan ang buhok ko mula sa aking likod. Malayang nasasaksihan ng mga mata ko ang panggigigil sa kanyang mukha. "Binili kita,'yan ang tatandaan mo! Binili kita! Kaya hindi ka pwede umalis sa bahay ko hanggang hindi mo nababayaran ang lahat ng mga utang mo sa'kin. NAIINTINDIHAN MO BA 'YON!!!?"
"Wala na akong utang sa'yo, Bryle.....dahil sapat na ang mga bugbog at sampal na pinaranas mo sa'kin para bayaran ang lahat ng utang ko sayo." mas diniinan niya pa ang pagkakasabunot niya sa buhok ko. "Pero kung gusto mo talaga mabalik ang perang pinangbili mo sa'kin...'wag ka mag-alala dahil nasa office table mo ang tseke na pambayad ko sayo. Kumpleto 'yon, walang labis, walang kulang." hindi ko alam kung saan ko kinukuha ang tapang ko at nagagawa ko sagot-sagutin si Bryle ng ganito, this is something that I never done before to him.
Binitiwan niya ang buhok ko pero hawak niya parin ng mahigpit ang braso ko.
"At saan ka kumuha ng perang pambayad? Kanino? Kay Xavier ba!? Hah." Bryle.
BINABASA MO ANG
Possessive Nights (Completed)
RomanceAngela is the wife of renowned business tycoon, whom she left two years ago. A lot of drama circulated in her life these past few years until that night happened. She became the victim and a subject of bidding in a casino named Casa Del Valle. Every...