CH.16 In his Arms Again

6.2K 101 1
                                    

~•Hugs and kisses are ways to express what cannot be said.•~

-Kacie Conroy



Dedicated to Jimbelle316


*ANGELA'S POV*

Madilim ang buong paligid kahit tanghaling tapat at ilang saglit pa'y bumuhos ang malakas na ulan na kanina pa nagbabadya. Sinabayan ito ng mga pagkulog at pagkidlat.

Nakadungaw ako sa likod ng maliit na bintana habang pinagmamasdan ang pagbuhos ng ulan.

"YAWN!!" nakakatamad ang araw na ito, parang ang sarap humilata sa kama buong araw.

Napatingin ako sa bago kong cellphone na bigay sa'kin ni Brent nang bigla itong umilaw.


Calling: Unknown


"Sino naman 'to!?" tanong ko nang makita ko na unregistered ang number na tumatawag sa'kin.

(Hello! Sino 'to?) tanong ko.

«Ako 'to!» hindi ko kilala ang boses niya pero mukhang lalaki ito dahil malaki ang boses.

(Akoto!? Japanese ka pala!) narinig ko naman na tumawa ito mula sa kabilang linya.

«I didn't know that you're good in joking, hah.» sabi nito.

Joking!? Kailan pa ako naging comedian tiyaka sino ba 'to?

(Sorry but I'm not a joker, can you just tell me what's your name. Wait, have we met before!?) tanong ko.

«Yah. Actually dalawang beses na.»

Napakunot-noo naman ako sa sinagot niya. So nagkita na pala kami dati pero paano ko malalaman o maaalala kung sino siya e di ko nga alam kung ano ang pangalan niya.

(Hindi ko matandaan e. Pwede bang sabihin mo nalang ang pangalan mo? baka sakaling matandaan ko.)

«Ang bilis mo naman makalimot. It's me, Xavier. Your handsome neighbor, haha.»

Napatakip ako sa bibig ko nang sabihin nito ang pangalan niya. Siya pala ang kausap ko pero bakit hindi ko siya nakilala?

(Ikaw pala, sorry. Hindi kita nakilala.)

«It's okay. Maybe because I have colds.»

Kaya pala hindi ko siya nabosesan kasi may sipon siya.

(kaya pala. Bakit ka nga pala napatawag!?) pag-iiba ko.

«Are you coming today!?»

Tinutukoy niya ay ang deal namin.

Tumingin ako sa labas ng bahay. Malakas ang bugso ng hangin at buhos ng ulan, sino naman ang baliw na mag-gagarden sa gitna ng bagyo!?

(Ang lakas kaya ng ulan. Sakop ba ng insurance kapag linipad ako ng hangin papuntang pacific ocean!?) biro ko.

«Haha! I forgot, may bagyo nga pala. Sorry.»

(Wala yun. Teka, mukhang excited ka yata!?)

«Hindi naman.» tanggi niya.

Naalala ko bigla na kailangan ko palang magbasa tungkol sa gardening para kahit papaano'y may background naman ako sa gagawin ko.

(Sige na Xavier, sa susunod nalang. May gagawin pa kasi ako e.)

(Sige, see you soon.)

Possessive Nights (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon