CH.10 The Truth

7.9K 136 3
                                    

~• The most painful lesson in life are those that we really need to learn...when you can appreciate them, you have grown in emotional wisdom...•~





*ANGELA'S POV*




Nagising ako na may mabigat na katawan na nakadagan sa akin.

Si Bryle.

Ramdam ko ang kanyang mainit na paghinga dahil nakasiksik ang mukha nito sa aking leeg. Ang sarap sa pakiramdam ng init ng kanyang katawan kahit na mabigat ito.

Hindi ko mapigilang mapangiti sa tuwing pinagmamasdan ko ang mukha niya.

Tanging kumot lang ang tumatakip sa aming mga hubad na katawan.

Hindi niya na naman kasi ako tinantanan kagabi. Tulad nang dati'y pinagsawaan niya ako, pinagsawaan niya ang bawat parte ng katawan ko, siniil ng mga mapupusok na halik at iba pa.

Masakit ang kabuuan ko, dagdagan pa ng malaking katawan na nakapatong sa'kin.

Mahimbing ang tulog niya kaya kahit na nanakit ang aking katawan ay hindi ko na siya pinagkaabalahan pang gisingin, mahirap na baka uminit na naman ang ulo niya at baka sa'kin niya na naman ibunton ang lahat ng yun.

Ngayong sabado at linggo ang napag-usapan naming day-off ko, maaga pa naman kaya hahayaan ko munang magpalipas ng kahit kaunting oras sa lalaking nakadagan sa akin.

I patted his black hair down to his nape, I played every silk of it. His warm body associated with mine and It's really good to feel.

It relieves the ache of my body.

Masaya ako na init ng katawan niya ang unang sumalubong sa'kin at hindi ang init ng kanyang ulo.

Matapos ang ilang minuto'y wala pa ring pagbabago, mahimbing parin siyang natutulog sa aking ibabaw. Nakakaramdam narin ako ng ngawit at pamamanhid sa ilang oras na pagkakadagan niya sa'kin kaya minabuti ko na bumangon na at unti-unting umalis mula sa pagkakadagan niya.

Baka hinihintay narin kasi ako ni Brent. Sinabi niya kasi na susunduin niya ako, wala narin naman akong magagawa dahil kilala ko yun, para din siyang kapatid niya na kapag sinabi niya ay gagawin niya talaga.

I gently removed myself out of him and that was really hard to do because this man above me is practically a big person and really have a heavy weight at the same time.

Sinigurado ko na hindi ko siya magigising dahil kung magising man siya'y lagot na naman ako.

And after four challenging minutes I successfully removed myself for being topped by my husband.

Pagkaalis ko sa ilalim niya'y saglit siyang gumalaw na siya namang kinakaba ko.

Paano kung nagising ko siya?

Lagot na naman ang katawan ko.

Inikot niya ang kanyang katawan pahiga, naalimpungatan siya saglit pero bumalik din naman sa mahimbing na pagkakatulog na nagpaluwag naman sa aking pakiramdam. Akala ko'y magsisimula na naman ang panibagong round ng pananakit niya sa'kin.

Tumingin ako sa paligid at hinanap ang aking mga damit.

Hindi ko na yata dapat 'tong hanapin dahil nagkalat na ang mga ito sa sahig.

Isa-isa ko itong pinulot, tulad ng dati'y punit na naman ang mga ito.

Hindi ko na mabilang ang mga nasirang damit ko sa tuwing may mangyayari sa aming dalawa kaya hindi na'ko magtataka kung maubos ang mga damit ko sa loob palang ng isang buwan, hindi na kasi ito dumederetso sa labahan dahil bago pa man ito malabahan ay sa basurahan na agad ang deretso nito.

Possessive Nights (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon