Prologue

8.5K 211 146
  • Dedicated kay Shin Kyo
                                    

Nasasaktan ako. Nasasaktan na naman ako. Napahawak ako ng mahigpit sa hawak kong notebook at naramdaman ko na lang na isa-isang tumulo ang mga luha ko mula sa magkabilang mata. Agad-agad kong pinahid ang mga luha at nagmadaling tumalikod. Hindi na lang ako tutuloy sa cafeteria, para saan pa? Para pagmukhaing tanga nila? Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ang alam ko lang ngayon ay nagpapatianod lang ako sa kung saan ako dalhin ng mga paa ko.

"I'm sorry." Hingi ko ng paumanhin sa nabunggo ko. Ang dami ko ng nabunggo dahil tulala lang akong naglalakad habang pinapahid ang mga luha. Pero hindi pa rin tumitigil ang mga mata ko sa kakaiyak. Ayokong umiyak, pero kusang tumutulo ang mga luha ko. Mga luha ng isang taong labis na nasasaktan. Ang sakit sakit!

Pakiramdam ko isa akong batang inagawan ng laruan. Iningatan kong hindi masira tapos aagawin lang sa akin. Kukunin lang pala sa akin. Gusto kong magwala, gusto ko siyang hablutin. Gusto kong maging madamot pero hindi ko magawa! Sobra kong mahal si Duke. Siya lang ang minahal ko sa buong buhay ko, wala akong ibang tiningnan kundi siya lang. Ang mga galaw niya, ang mga pang-aasar niya at ang mga kalokohan niya. Lahat ng iyon minahal ko. Minahal ko ang buong siya.

Nagtatawanan pa sila nang nakita ko, at ang mas masakit dun, yung nakita kong masayang masaya si Duke na kasama si Tracy. Mahal ko siya, pero hindi ako makasarili para tanggalin ang kaligayahan niyang iyon. Kaya kahit na nasasaktan ako, pilit ko pa ring pinaninindigan ang papel ko sa buhay niya, ang pagiging matalik na kaibigan lang.

Chaks and Chicks In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon