Chapter 51: Breaking Down II (Final Chapter)

2.3K 70 52
                                    

DUKE’S POV

“Georginaaa!” tumayo ako mula sa pagkakalugmok sa buhangin para sumuong sa lumalagablab na log cabin. Hindi pwedeng wala akong gawin. Pero bago ko pa man maihakbang ang mga paa ko ay may mga braso ng pumigil sa akin.

“Let it go, Duke!” saad ni Inspector Stefan nang pigilan niya ako sa pagpunta sa log cabin.

Ngayon ko lang napagtanto na may rescue team na palang dumating pati mga bombero para maapula ang sunog. Hindi ko narinig ang tunog ng police car at fire truck dahil nakatuon ang pansin ko sa log cabin, kung saan naroon si Georgina.

“Bitawan mo ako!” sigaw ko habang winawasiwas ang kamay niya na nakahawak sa balikat ko. Humugot ako ng lakas para maitulak siya pero hindi ko nagawa. Masyado na akong nanghihina para maitulak siya.

“Duke, tama na!”

“Hindi! Buhay si Georgina. Nasa loob lang siya.” Hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa. Hindi ako naniniwalang wala na si George. Hindi siya pwedeng mawala ng ganoon ganoon na lang.

Humugot muli ako ng lakas at sa wakas ay nagawa ko siyang itulak. Nang nabitawan niya ako ay agad akong tumakbo sa nag-aapoy na log cabin ngunit pinigilan ako ng mga bombero. May humawak sa dalawang braso ko sa likod at pilit akong inilalayo sa lugar na iyon. Sigaw ako ng sigaw dahil wala akong magawa para makalapit at mailigtas si Georgina.

Mabigat man ang loob ko ay hinayaan ko na lang sila. Pagod na pagod na akong makipaglaban at ang sakit sakit na. Wala naman iyon sa pisikal na sakit na nararamdaman ko eh. Hindi iyon. Iyong sakit na wala kang nagawa para mailigtas ang taong mahal mo, iyon ang masakit. Pati si Georgina nadamay dahil sa galit sa akin ni Wyatt.

Napakuyom ang kamao nang naalala ko si Wyatt lalo na nang nakita ko siyang nakangisi pa habang dinadala sa police car. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at sinugod siya. Wala akong pakialam kung may mga pulis siyang kasama. Agad ko siyang inambahan ng suntok sa mukha.

Nang matumba siya ay pinaibabawan ko siya at pinagsusuntok sa mukha, “Pinatay mo si Georgina!”

Papatayin ko sana siya sa suntok kung hindi lang ako hinawakan ng mga pulis sa magkabilang braso at itinayo. Pinigilan nila ako nang sisipain ko pa sana si Wyatt. Lalo lang nag-aalab ang galit ko nang hindi man lang nagpakita ng pagsisisi si Wyatt. Pagkatapos ng ilang suntok na natamo niya ay nakuha pa niyang tumawa. Isinakay na siya sa police car at dinala sa presinto.

“Bitawan niyo ako!” galit na sabi ko sa mga pumigil sa akin. Agad naman nila akong binitawan at hinayaan na lang.

Tangina! Wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman ko ngayon. Gagamutin sana ako ng mga volunteers pero itinulak ko lang sila at tumakbo palayo. Gustong kong papaniwalain ang sarili ko na buhay si Georgina. Gusto kong isipin na isa lang itong masamang panaginip at paggising ko nasa tabi ko siya, nakangiti. Pero pakshet! Totoo pala ang lahat.

Ang bigat ng pakiramdam ko. Parang ibinagsak lahat sa akin. Tumingala ako sa langit dahil gusto kong itanong sa Kanya kung bakit Niya ginawa ito. Bakit kailangang pang maging masaya para lang maging malungkot muli?

“Ano, masaya Ka na?! Pinagtripan mo lang kami ni George eh! Anong klase Kang Diyos?!” naiiyak kong sigaw sa langit. “Ayos Ka din eh noh. Ang galing galing mong Diyos! Pinaasa mo lang ako! Kung ito naman pala ang plano Mo para sa aming dalawa, eh di sana pinatay Mo na rin ako. Sana pinatay mo na lang ako kasi.. kasi ang sakit sakit.”

Magliliwanag na ng naapula ang apoy pero hindi daw nakita ang katawan ni Georgina malamang daw ay nagkalasug lasog ito nang sumabog ang bomba. Hindi ko kayang isipin ang bagay na iyon. Hindi ko pa rin matanggap hanggang ngayon na wala na si Georgina, ano pa kaya ang isipin ang karumal-dumal na pagkamatay niya. Parang kagabi lang masayang masaya kaming dalawa, at sa gabi ding iyon ay bigla na lang nawala ang lahat sa akin.

Chaks and Chicks In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon