Chapter 49: First Vacation

2.5K 52 46
                                    

GEORGINA'S POV

If someone would ask me what heaven be like, I'd just look at the man I'm holding hands with and say 'this'. I could care less if I sound mushy. Wala eh, I am happily and passionately in love with the same man I fell in love with years ago. It's such a wonderful feeling to wake up in the morning knowing that I am loved by that man. Minsan nga hindi ako makapaniwala na kami na kaya sinasampal ko ang sarili ko everytime I wake up.

Sabi nila people who smile for no apparent reason is the truest smile ever. I guess it's not, because the truest smile is when you smile when you are thinking of one specific person. And in my case, Duke is all over my thoughts. Oh I love him so much.  I love it when he does silly things my chin clones itself because of laughing so hard. That's how happy I am with him.

"Chicks!"

Ouch. Bigla na lang akong hinila ni Duke sa sidewalk para tingnan ang tindahan ng mga sunglasses. Oh, by the way we are on vacation. Kahapon lang kami dumating. Welcome to Subic baby! Sobra akong excited kasi first time naming magbakasyon na kaming dalawa lang. Nakakatawa nga eh, tatlong araw lang naman kami pero limang maleta ang dala ko samantalang iyong kay Duke isang backpack lang! Inaasar nga ako na baka daw dala ko pati ang mga posters ni Justin Bieber.

We are staying in their ancestral house. Unang tapak ko pa lang sa loob ng bahay I instantly fell in love with it. Hindi iyon magarbo katulad ng bahay nila sa Manila. Simple lang iyon pati ang mga kasangkapan. What I love about their house is that it is built fronting the sea. Yey! I'll get to see the sea kisses the shore and the sun kisses the sea. Iniisip ko pa lang wala ng pagsidlan ang tuwa sa puso ko. 

Isinuot niya sa akin ang aviator shades na kinuha niya sa mesa. "Bagay oh." Duke exclaimed while staring at me. His stares made my cheeks pink.

Inipit ko ang buhok ko sa likod ng tainga at nahihiyang nginitan siya. "Enebe, nekekencious eke." sabay tawa.

"Hindi bagay." natatawa niyang saad. "Hindi talaga bagay, Chicks." dugtong niya at umiling-iling pa. So kailangan talagang ipagdiinan na hindi bagay?

Hinubad ko ang shades at hinampas siya sa braso. "Ganyan ka ha. Sana naki-ride on ka na lang."

"Kahit hindi mo naman artehan ang pagsasalita mo, cute ka pa rin naman." pasimpleng banat niya habang nakatuon ang pansin sa pagpipili ng sunglasses na para sa kanya.

Lalo akong namula sa sinabi niya. God, simpleng banat lang iyon pero bolta-boltahe na ng kuryente ang hatid na kilig nun sa akin. Pinilit kong hindi sumilay ang ngiti sa mga labi ko pero sadyang napaka-transparent ko kaya napansin iyon ni Duke.

"Uy kinikilig siya." aniya sabay tawa habang sinusuot ang wayfarer shades.

"Che!" bulalas ko at hinampas na naman siya sa braso.

Hinubad niya ang suot-suot na shades at kumuha ng iba. "Ang brutal mo." Nagsuot ulit siya ng isa pang wayfarer shades at humarap sa akin. "Bagay ba, Chicks?"

Sapo-sapo ko ang baba ko habang nakatingin sa kanya. "Hmm.. Bagay naman. Kaya lang.." unti-unting lumawak ang ngiti sa labi ko hanggang sa ang ngiti na iyon ay naging tawa. Natatawa kasi ako sa ilong niya. Ang chaka talaga ng ilong ni Duke pero isa iyan sa minahal ko.

"Alam ko na iyang iniisip mo." Hinubad ni Duke ang shades at ibinalik sa mesa. "Ayaw ko na nga!"

Kinuha ko ang shades na nilapag niya at isinuot ulit iyon sa kanya. "Ito naman masyadong matampuhin. Okay naman ah." Tiningnan ko siya sa ibang anggulo tapos pinisil ang ilong. "kahit chaka ang nose mo bagay pa rin sayo."

Chaks and Chicks In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon