Chapter 26: That Awkward Moment

4.3K 65 21
                                    

A/N: Hey guys! Check the picture on the multimedia section. Weeeee.. Gusto ko lang i-share na ni-like ni Teddy Corpuz ang picture na iyan sa Instagram! Sana sa susunod si Ate Anne na ang maglike at Kuya Vhong. Feeling happy. =))

Follow niyo ako sa Instagram kung gusto niyo lang naman. Wahaha @pilosopongbasha.

Facebook page: https://www.facebook.com/pilosopongbashaWP

_____________________________________________________________

GEORGINA'S POV

Isang buwan na rin ang nakalipas magmula nang nailibing si daddy. Dalawang linggo ko ring pinilit na paniwalain ang sarili ko na patay na siya. Gabi-gabi akong umiiyak at kadalasan nagigising ng madaling araw para lang umiyak kasi iyon ang mga oras na nagsi-sink in sa utak ko na hindi na namin makakapiling si daddy kailanman. Sa loob ng isang buwan na iyon ay laging nasa tabi ko ang mga kaibigan ko, lalong lalo na si Duke.

Hindi niya ako iniwan, hindi niya ako pinabayaan. Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung matutuwa ba ako o malulungkot. Matutuwa dahil sa wakas ako naman ang inuna niya o malulungkot dahil ngayon niya lang ako inuna.

"Mom, I'm home!” Ibinato ko ang bag ko sa sofa at dumiretso sa kusina upang maghanap ng makakain. Pagkapasok ko ng kusina ay may nakita akong pigura ng tao na ang kalahating katawan ay natatakpan ng pinto ng ref. Sinilip ko ito at nakita kong si Yaya Marie pala iyon at pasimpleng pumapapak ng peanut butter gamit ang kutsara.

Peanut butter?! Why, that's mine!

"Yaya, akin iyan ah!"

"Ay junjun ni Idgar!" bulalas niya nung nagulat siya sa akin. Agad niyang isinara ang ref at humarap sa akin. Iniabot niya sa akin ang peanut butter. Kinuha ko naman iyon at kumuha na rin ng panibagong kutsara. Ngumiti siya sa akin. It was a sheepish smile that flashed on her face, "Sorry, bibi. Nagotom kasi ako. Nagogotom ka na rin ba? Ipaghahanda keta."

"Hindi na 'ya. Peanut butter alone is.. heaven!" I scooped one and fed it to my mouth. I closed my eyes and smiled, "Hmmm.." Sabi ko habang ninanamnam ang tamis ng peanut butter. Walang sinabi ang Nutella dito. Ibang klase pa rin talaga ang peanut butter. Parang si Duke. Sa dinami-dami ng lalakeng nagtangkang manligaw sa akin at mas higit pa kay Duke, si Duke pa rin ang pinili ko. It will always be him, it will always be my peanut butter.

"Uy, na unsa ka naman 'bi? Papikit-pikit ka pa diyan, ini-imagine mo si Dok?" pukaw ni yaya sa mahaba kong moment sa peanut butter.

I opened my eyes and gave her a what-are-you-talking-about look. Imagine daw. Eeeew! I don't even want to look at his little buddy. Never in my entire life na inisip ko iyon. Pero, yeah I already saw it when he was circumcised and when his brief fell off the ground because of heavy rain. But that was years ago, we were kids pa nun. Malamang iba na ang itsura nun ngayon. I wonder what it looks like now. I remember when he fell asleep beside me, geez! I felt something hard poking my behind the next day. Was it his little buddy? And why it was hard? Is that thing really that hard? Was he- Oh my God! He wanted to.. Errr.. 

Chaks and Chicks In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon