Chapter 6: Grown Up

5.5K 129 88
                                    

GEORGINA'S POV

Present time

"Chaks! Ano ba?! Wala ka bang planong gumising diyan? Male-late na tayo oh." sigaw ko. Nandito ako ngayon sa kuwarto ni Duke. Yup! You heard it right. I'm at his room and right now I am struggling to wake him up.

Tulog mantika talaga 'to kahit kailan! Lahat ginawa ko na para magising siya. Nilakasan ko na ang alarm clock, nagpatugtog na ako ng Justin Bieber songs which is hate na hate niya, hinila ko na ang napakabigat niyang binti pero wala pa ring effect. Isa na lang ang alam kong paraan para magising siya, I hate to do this but I have to.

"Ayaw mo talaga gumising ha? Okay you left me with no choice." sabi ko at humugot ng buntong-hininga para maka-buwelo.

I'm bulletproof, nothing to lose, fire away, fire away ricochet, you take your aim, fire away, fire away. You shoot me down but I won't fall. I am titaaaaaanium, you shoot me down but I won't fall I am titaaaaaanium I am titaaaaa-

 

"Chicks!" sigaw ni Duke at tinakpan ang tainga ng unan.

Hindi naman ako nagpatinag, tuloy tuloy lang ako sa pagbirit.

I'm a titaaaaaaaa-

"Chicks naman! Magpatulog ka naman!" 

"Hindi ako titigil hangga't hindi ka bumabangon diyan!"

I'm a titaaaaaaaaa-"

"Oo na po! Babangon na ako, parang awa mo na itigil mo lang iyang Titanium mo." Nagmamaktol na bumangon siya sa kama at kinuha ang towel na nakasabit sa hanger.

"Paano naman kasi ang hirap mong gisingin. Duh? Hindi tayo pwedeng ma-late, first day of school ngayon." sabi ko at sumalampak ng higa sa kama ni Duke. Teka parang ang baho naman ng higaan niya. Hinanap ko ang mabantot na amoy and olala! I found the culprit, iyong favorite kumot niya na ilang siglo na yatang hindi nalalabhan.

"Eew, yuck! Chaks, hanggang ngayon ba naman hindi mo pa pinapalabhan ang kumot mo?!" sigaw ko.

"Huwag mong gagalawin iyan, Chicks! Gusto mo mag-away ulit tayo?!" sigaw niya sa loob ng bathroom.

Tawa lang ang isinagot ko sa kanya habang tinutupi ang mabantot niyang kumot. Nag-away na kasi kami dati nung minsang kinuha ko ang kumot niya para ipa-laundry. Paano naman kasi, sobrang baho na! Ilang taon din kasing hindi nalabhan. Favorite niya kasi at hindi iyan makatulog kapag hindi ito ang gamit niyang kumot.

At kung tatanungin niyo ako kung ilang taon na kami ngayon, 19yo na po kami ngayon. Isa akong Mass Communication student, si Duke naman ay Architecture at isa siya sa mga hinahangaan sa university namin dahil sa taglay niyang talento sa pagsasayaw. 

Chaks and Chicks In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon