Chapter 16: His Happiness Is My Sadness

4.8K 96 57
                                    

DUKE'S POV

Nandito ako ngayon sa Hippin Move room. Katatapos lang ng third subject ko at sakto naman na wala ding pasok si Jacob, samantalang iyong ibang miyembro ng dance club ay nagprapraktis ng bagong sayaw sa harap ng malaking salamin.

"Checkmate!" sabi ko habang kinukuha ang king piece ni Jacob.

"Woohoo! Talo na naman ako! Ayoko na ngang makipaglaro sayo lagi na lang akong talo! Tsl!" bulalas ni Jacob at ginulo ang chess pieces na nasa board. Natatawa naman ako sa ginawa niya para kasing bata. Palagi na lang kasing talo kapag naglalaro kami ng chess.

"Ganoon talaga ang buhay. Galingan mo naman next time 'tol." sabi ko habang tumutulong sa pagliligpit ng chess board.

"Maiba ako 'tol. Nililigawan mo ba si Tracy?" Ngumiti ako at tumango bilang sagot sa tanong niya. "Nampucha 'tol! Sabi ko sayo magkakagusto din dun eh." tatawa-tawa niyang dugtong habang nilalagay ang chess board sa drawer.

"Oo nga eh. Nagtaka nga ako sayo eh, siya pala ang sinabihan mong pangmadaliang girlfriend lang. I mean look at her eyes.." Tumingin ako sa kawalan habang nakangiti bago ipinagpatuloy ang sinasabi, "tol, nakakalunod ang mga titig niya. Para bang nanghihipnotismo. At ang ngiti niya nakaka-akit 'tol! Lubog na lubog ang dimples. Siya ang pinakamagandang-"

"Ulol! Hindi mo alam ang sinasabi mo, Duke!" putol ni Jacob sa sinasabi ko. Tumayo siya sa pagkakaupo at nakipraktis sa pagsasayaw, "Wala kang alam sa mga babae 'tol. Maniwala ka sa akin 'tol iyang si Tracy, sus! Alam ko ang karakas ng mga tipo niya."

 

Napailing ako sa sinabi ni Jacob. Hindi naman ako nasaktan, tinamaan lang ang ego ko. Kinuha ko ang bag ko sa couch at sinukbit sa balikat ko.

"Oh 'tol saan ka pupunta?" Nilingon ko siya at tumango lang bago pinihit ang door knob at lumabas. Ayokong magsalita baka makapagbitiw ako ng masasakit na salita para sa kanya. Mas mabuti pang umalis na lang kaysa umabot pa sa puntong masapok ko ang pagmumukha niya.

Pumunta na lang ako sa Tourism Building upang hintayin si Tracy para sabay kaming mag-lunch sa cafeteria. Naupo ako sa bench malapit sa building at itinukod ang dalawang siko sa mga binti habang pinaikot-ikot ang cellphone sa pamamagitan ng mga daliri ko.

Iniisip ko ang sinabi ni Jacob kanina,

"Wala kang alam sa mga babae tol. Maniwala ka sa akin 'tol, iyang si Tracy, sus! Alam ko ang karakas ng mga tipo niya." Nainis ako sa sinabi niya kanina, pero sa kabilang banda ay nagtaka din ako kung bakit niya nasabi iyon. Ano sa tingin niyang klase ng babae si Tracy? Parang hindi ko naman makita na may mali pa kay Tracy. Bukod sa maganda at sexy, mabait at matalino pa. Wala akong mahanap na mali sa kanya. Walang wala.

"A penny for your thoughts?" malambing na boses ng babae ang nagpaangat ng tingin ko. Awtomatikong sumilay ang mga ngiti sa mga labi ko nang nakita ko kung sino iyon, si Tracy. 

Umupo ito sa tabi ko kaya umusog ako. Kinuha niya ang beaded coin purse niya sa bag at kumuha dun ng piso na siyang binigay sa akin. "Oh ayan na ang piso ha. Share mo naman sa akin kung ano ang iniisip mo."

Chaks and Chicks In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon