Chapter 36: Birthday Party

3.4K 52 15
                                    

GEORGINA'S POV

Nanakit ang buong katawan ko. Nabugbog sa practice namin for the production number ng Miss SFAU. Ganito pala ang beauty pageant, tiis ganda! Palagi pang pagod dahil puspusan ang practice tapos pinagda-diet pa ako para daw pumayat ako sabi ng coordinator ng pageant. Puro fruits at non-fat milk na lang ang laman ng tiyan ko, at wheat bread in the morning. Ito pa, bawal akong pumapak ng peanut butter kasi malakas sa calories iyon. I need to be payat daw for the swimsuit portion. Kung alam ko lang talaga na ganito pala kahirap eh di nag-apila na sana ako noon pa. This isn't my thing. I'm a kind of person who eats a lot, that's how big my appetite is. Nakakaubos nga akong five cups of rice eh.

 I know, I'm a modern cavewoman.

After ng practice namin for the production number, agad na akong umuwi. Weird, hindi ko nakita si Chase all day. In a short span of time that I am hanging out with him, I've known him as the type of guy who won't ditch the girl he likes nor let a day pass without seeing her. Well, not that I am being conceited; I know that he likes me that much. Pero I wonder kung bakit hindi ko siya nakita ngayong araw. Hindi naman siya nag-text sa akin, at ito pa ang weird; I haven't seen Joyce either. I’ve tried calling her, but her number was out of reached. Ano nangyayari sa Earth?

Papasok na ako sa bahay nang nakita kong walang ilaw sa loob. Walang tao? Lahat sila umalis? But that's impossible! Dahan-dahan kong isinara ang gate at humakbang papunta sa pintuan. Kinakabahan ako baka kasi may burglar na nasa loob ng bahay namin o di kaya may nangyaring masama kina mommy. Oh God! Puro babae pa naman sila, well kami pala if I count myself in. Horrible images flashed in my mind. Mom was lying on the floor, bathing with her own blood; yaya was lying naked because she was raped and the other maid was-

"Happy Birthday, George-ous!" 

God! Nagulat ako sa pagbukas ng ilaw at tumambad sa harap ko sina mommy, yaya, Chase, my Actors Guild friends, some classmates and Joyce. She was holding a yummy birthday cake!

Birthday? Birthday ko pala ngayon? Great! I forgot my own birthday.

They started singing a birthday song. Happy faces were painted before me and I can say that this is one of the most surprising birthday parties ever! The weariness that I felt just fade away. Kaya pala wala sina Chase at Joyce, at madilim ang bahay kanina kasi sinadya pala nila iyon para masorpresa ako. I was awestricken, no scratch that, I was awestricken a hundred times! That's how much awe I feel right now.

"Happy Birthday you little witch, make a wish." saad ni Joyce nung hinarap sa akin ang cake na may nakatayong kandila sa gitna. Pinalibutan ako ng family at friends ko, they were waiting for me to blow the candle.

I closed my eyes and wished, mentally. Of course! Ano nga ba ang iwi-wish ko? Isa lang naman ang gusto ko eh, ang maging lubusang masaya.

"Bibi terte minets ka ng nakapikit, mag-wish kana. Nagogotom na kami." Tinig ni yaya ang nagpamulat ng mga mata ko. Nagtawanan naman kami lahat sa tinuran ni yaya. Ganoon pala katagal ang pagpikit ko? Oh well, hipan ko na nga ang kandila.

Chaks and Chicks In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon