Chapter 47: Who's Back?

2.9K 56 51
                                    

SOMEONE'S POV (Third person's POV)

Kumuha siya ng pushpin at itinusok sa latest picture nina Duke at Georgina. Mababanaag sa mukha ni Duke ang labis na kaligayahan habang nakayakap sa huli. Kuha iyon nung nag-propose ito ng kasal sa bestfriend nito.

Lingid sa kaalaman ng dalawa na merong isang nakisabay lang sa flash mob at nagpanggap na masaya para sa dalawa. Isa rin iyong istudyante ng St. Francis kaya naman walang makapagsasabi na isa iyong spy. Binayaran niya iyon upang manmanan ang dalawa.

Muli niyang tiningnan ang bulletin board. Lahat ng nakalagay doon ay mga pictures ni Duke simula noong bata pa lang ito hanggang sa kasalukuyan. Meron ding mga pictures ni Georgina at kung anu-ano pa na related sa dalawa. Nagmistulang isang diary ang bulletin board na iyon dahil halos lahat ng kaganapan sa buhay ni Duke ay nandoon.

Masusing niyang pinag-aralan lahat ng kilos nito para makalkula niya ng mabuti ang mga gagawin para mabura ito sa mundo. Oo, balak niyang patumbahin si Duke pati na rin ang mga mahal nito sa buhay. Gusto niyang maranasan nito ang paghihirap na naranasan niya noon. Gusto niyang maramdaman nito ang pakiramdam ng mawalan, magdusa at magmakaawa.

Isa siyang malaking tao sa sosyedad. May maayos na pamumuhay, galing sa isang kilalang pamilya, may malaking bahay na kompleto sa kagamitan. Wala na ring mahihiling pa ang sinumang ibigin nito dahil napaka-maalaga niyang tao pero sa ngayon ay wala siyang balak na magmahal.

Oo, marami ang nagpapapansin sa kanya makuha lang ang kanyang interes dahil bukod sa pagkakaroon ng matayog na estado sa buhay, ay isa rin siya sa mga sought-after bachelor in our generation. Pero hindi siya interesado dahil ayaw niya ng distraction. Ilang taon niyang binuro ang sarili niya para lamang sa paghihiganti kay Duke kaya hinding hindi niya sisirain ang goal na iyon. He can't afford to have a distraction, lalo na ngayon na umaayon ang lahat ng nangyayari sa kanyang plano.

Walang makapagsasabi na ang anghel na inakala ng marami ay may tinatago palang sungay sa likod ng maamong mukha. Nagtatago ang isang halimaw sa likod ng maskara na suot suot niya. Nakakatakot at nakakapangilabot. Mas masahol pa siya sa hayop kung magalit at wala sa bokabularyo niya ang salitang konsensiya. Ang sino mang sagabal sa kanyang mga plano ay walang awa niyang pinapapapatay kasehodang malapit sa kanya ang taong iyon. Walang kai-kaibigan at kama-kamag-anak para sa kanya sa ngalan ng paghihiganti.

Napangisi siya at pinagkrus ang dalawang braso nang mataman niyang tiningnan ang larawan nina Duke at Georgina, “Pinadali lang lalo ni Duke ang lahat. Two birds in one stone.” aniya at tumawa pa ng nakakaloko. He clicked his tongue at pasipol sipol na umupo sa executive chair na nakatulos sa likod ng desk niya.

Tumingin siya sa labas ng glass window at lalo lang lumapad ang mga ngiti niya nang nakita niyang maaliwalas ang panahon. The sky was blue. Today was a great day for him. Everything was falling into place dahil nalalapit na ang araw ng kanyang paghihiganti. Kaunting kaunti na lang matatapos na rin ang matagal niyang paghihintay.

Binuksan niya ang secret drawer at kinuha mula doon ang isang box. Ipinatong niya ang kulay itim na kahon sa mesa at tumambad ang 45 caliber pistol. Kinuha niya iyon at pangisi-ngising pinagmasdan iyon. Tapos tumingin siya sa larawan ni Duke at ngumisi na naman. Itinutok niya ang baril doon at nag-aktong pinaputok niya iyon.

Chaks and Chicks In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon