Chapter 48: Unlocked

2.1K 52 25
                                    

TRACY'S POV

"Excuse me, John?" nag-aalangang tanong ko nang nakalapit sa lalakeng naka-kulay berdeng polo, na komportableng nakaupo habang umiinom ng kape. 


"Sit down." maawtoridad na tugon niya. May kung ano sa boses niya na nakakatakot na kahit sino man ang makarinig nun ay walang magagawa kundi ang sumunod na lang sa kahit anong sabihin niya.


"Kung iniisip mong ako si bossing, nagkakamali ka doon. Pinadala niya lang ako para ako ang makausap mo. He wants to stay anonymous." sabi niya nang nakaupo ako.


Gusto kong mainis sa narinig. Pakiramdam ko nadaya ako ni John. Tuso talaga ang lalakeng iyon!


"Huwag kang mag-alala, makakarating sa kanya ang lahat ng sasabihin mo. He's willing to negotiate. So, shall we start?" 


Huminga ako ng malalim na buntong hininga at may kinuha sa bag. Dinukot ko doon ang pictures ni Georgina na kasama si Duke at ibinigay sa kaharap ko. "Iyan ang bestfriend ni Duke, si Georgina."


Pinasadahan ng tingin ng lalake ang picture na ibinigay ko at pagkatapos ay ibinalik sa akin. Kinuha ko naman iyon at ipinasok muli sa bag.


"Anong ibig sabihin nun?" malamig na saad ng lalake matapos pagsalikupin ang mga palad sa ibabaw ng mesa.


Lumapit ako ng bahagya sa kanya para marinig niya ang bulong ko. "I'm thinking, bakit hindi na lang natin ipakidnap si Georgina at ipapatay? I'm sure torture iyon kay Duke kasi bestfriend niya iyon. Habang buhay niyang dadalhin ang sakit ng pagkawala ni Georgina dahil wala siyang nagawa para mailigtas ang bestfriend niya. Di ba mas masakit iyon? Buhay ka pa pero unti-unti kang pinapatay. What do you think?"


Ngumisi ang lalake sa sinabi ko hanggang sa ang ngisi na iyon ay napalitan ng halakhak.


"Anong nakakatawa? Hindi mo nagustuhan ang plan ko? It's brilliant!" bulalas ko. 


"Tracy, Tracy, Tracy.." He shook his head and annoyingly clicked his tongue. Bahagya siyang lumapit sa akin at nagsalita. "You're in love with Duke. Don't you?"


Pinamulahan ako ng pisngi sa sinabi niya. Biglang nag-init ang mukha ko kaya ibinaling ko iyon sa ibang direksiyon.


"Don't try to conceal it. It shows honey."


"Don't call me honey." mataray kong sagot sa kanya habang pinupukulan siya ng matalim na tingin.


Sinagot lang ako ng tawa ng lalake. "Kaya gusto mong ipakidnap ang bestfriend ni Duke para masolo mo siya. You want him all for yourself, don't you?"

Chaks and Chicks In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon