Chapter 1: How I Met My Bestfriend

8K 176 109
                                    

Fourteen years ago..

GEORGINA'S POV

"Georgina, baby come on now we have to go na."

Narinig kong tawag sa akin ng mommy ko. Lilipat na kami ng bahay kasi nalipat ng work ang daddy ko. Isa siyang civil engineer at nasa Manila ang project na gagawin niya. Narinig ko sina mommy na aabutin ng dalawang taon ang project ni daddy that's why we to move.

"Mom, I don't want to go. Please let's just stay here." Sabi kong yakap-yakap ang baby doll ko. Nalulungkot ako, because I don't want to leave my friends here.

"Huwag matigas ang ulo, Georgina. We talked about this loads of time. You will have new friends there." sabi ni mommy habang binabantayan ang mga yaya namin sa pagpapasok ng mga gamit sa back ng car.

Wala akong magawa. Isa lang naman akong limang taong gulang na bata na sunod-sunuran sa mga magulang. I mean di ba ganoon naman talaga?

"Honey, do you have the car keys?" Narinig kong tanong ni daddy.

"Oh wait, I think I left it inside. Wait up, hon." sagot naman ni mommy bago pumasok ulit sa bahay namin.

"Mara, kayo na ang bahala dito ha? Dadalaw-dalaw naman kami dito kapag may free time ako sa site. Tawagan niyo ako kapag may problema." baling naman ni daddy sa caretakers na mag-asawa na maiiwan sa bahay namin.

Pinasakay na ako sa sasakyan ni Yaya Marie. Umupo kami sa back seat. Maya-maya lang ay sumakay na si mommy at pinaandar na ni daddy ang sasakyan.

Sabi naman ni mommy malaki din ang bahay na titirahan namin sa Manila. May pool din, may garden, at mas maganda daw doon kasi maraming lights kapag gabi. Na-excite naman ako sa sinabi ni mommy, kaya lang nalulungkot ako kasi maiiwan ko ang mga friends ko.

Nalulungkot na tinanaw ko ang papalayong bahay namin mula sa bintana ng sasakyan.

Goodbye home..

* * *

DUKE'S POV

"Nandadaya si Duke!"

Nagulat ako nang sumigaw ang isa sa mga kalaro ko sa tex, si Wyatt na sa sobrang taba ay humahawig na kay Majimbo!

Hindi naman ako nandadaya ah! Pikon lang siya kasi nauubos na ang tex niya. Paano laging talo!

"Anong sabi mo?! Sino nangdadaya? Ako?!" Nilapitan ko siya at binunggo siya sa dibdib. Hindi porke mas malaki siya sa akin ay matatakot na ako sa kanya. Ako yata si Duke Montallana, siga ako dito sa lugar namin!

"Oo ikaw! May problema ba?" matapang na sinalubong ni Wyatt ang mga tingin ko sa kanya.

Chaks and Chicks In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon