Chapter 24: Three Birds In One Stone

4.3K 74 51
                                    

A/N: Bago ang lahat iboto niyo muna ang poem at mascot namin! Sige na, please please please! Kapag kami ang manalo sasayaw ako ng Careless Whisper na Pandanggo sa Ilaw version. Kung gusto niyo naman akong kumain ng buhay na manok okay lang, buwis  buhay na stage performance ay keri ko iyan basta iboto niyo lang kami.

Nasa external link ang page. Asahan ko iyan ha? Love you osom people! Mwuah! XD

Happy Birthday AJ! =)) Salamat sa multi. 

Kung sino nga pala gustong magpabati diyan on their birthday or for dedication PM me. Hihi!

_______________________________________________________________

DUKE'S POV

Mahinang tugtog mula sa stereo ang maririnig sa loob ng sasakyan habang sakop ko ang mga labi ni Tracy. Hindi ko inasahan kanina ang paghalik niya sa akin nang narating na namin ang bahay niya. Akala ko bababa na siya pero nagkamali ako ng akala nung lumingon siya sa akin at hinalikan ako.

Dampi lang iyon sa una hanggang sa lumalim ang mga halik na iyon. Nakaramdam ako ng kung anong init sa katawan nang dumampi ang kamay niya dibdib ko at akmang bubuksan ang unang butones ng suot kong polo. Shit. Sumikip lalo ang pantalon ko sa ginawa niya.  

"Hmmm.." Ungol mula sa bibig ni Tracy ang kumawala sa pagitan ng mga halik at dahil dun ay nagising ang diwa ko. Hindi ito maaaring mangyari. Kailangan ko itong pigilan dahil nirerespeto ko siya. Ayaw ko naman na sa unang araw namin sa pagiging magkasintahan ay may mangyari, na sa bandang huli ay pagsisihan ko. 

Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at inilayo siya ng dahan-dahan sa akin. Pareho kaming naghabol ng hininga dahil sa lalim ng mga halik na naibigay namin sa isa't isa kanina.

"Why?" Nagtatakang tanong niya at akmang lalapit na naman para halikan ako ngunit maagap kong iniatras ang sarili ko para hindi niya maabot ang mga labi ko na nais niya muling maangkin. Ngumiti siya sa akin ng may halong pagkapilya at kinurot ako sa pisngi, "Ikaw ha, pakipot ka pala."

Binigyan ko lang siya ng isang tipid na ngiti at hinalikan siya sa noo, "Hindi naman. Kakasagot mo lang sa akin eh, baka kung saan pa mauwi 'to." Biro ko sa kanya.

Natawa siya at hinampas ako ng mahina sa kaliwang braso, "Pwede naman eh." Sabi niya at kininditan ako.

Medyo nagulat ako sa sinabi niya pero agad din naman akong nakabawi. Inisip ko na lang na biro niya lang iyon. Sa totoo lang, malaki pa rin ang respeto ko sa kanya. Sinagot niya ako kanina sa Rockwell Pub. Sabi niya mahal na niya ako at ayaw na niyang patagalin ang panliligaw ko sa kanya. Para saan pa daw ang panliligaw ng matagal kung pareho naman kaming nagmamahalan. Ang saya ko nung narinig kong mula sa kanya na mahal niya ako at sinasagot na niya ako. Sa wakas! Official na kami.

Pero may kung anong parte ng puso ko na tumututol sa pagiging masaya ko. Para bang sinasabi ng puso ko na hindi ito ang gusto kong mangyari, na masaya lang ako, pero hindi maligaya. Dahil sa naisip ko ay agad na sumingit sa isipan ko ang mukha ni Georgina na nakangiti habang umaalon-alon ang kulay kayumangging buhok sa gitna ng hangin hanggang sa naalala kong-

"Shit!" Nasapo ko ang noo ko nang naalala kong magkikita pala kami ni George ngayon.

Napaatras ang katawan ni Tracy at tiningnan ako na may pagtataka. Nakakunot noo niya akong tinanong. "Is there any problem?"

"I'm sorry, Trace. Naalala ko lang ang concert ni Justin Bieber." Sabi ko at naihilamos ang kanang palad sa mukha. Tiningnan ko ang orasan sa kaliwang braso ko at laking gulat ko nang nakita kong alas dose 'y medya na ng madaling araw. Ibig sabihin mahigit limang oras na siyang naghihintay.

Chaks and Chicks In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon