Chapter 7: Stupid And Numb

5.1K 113 79
  • Dedicated kay Chaks Delos Santos
                                    

GEORGINA'S POV

Oh crap! It's him again.

"Will you stop it?" sabi ko nang nakalapit na ang lalaking naka-plain black t-shirt at fitted jeans. meron din itong attached black earrings sa kaliwang tainga.

"Stop what?" sabi nito matapos umupo sa tabi ko.

Joyce rolled her eyes in dismay. "Duh? Ilang beses pa bang sasabihin sayo ni Georgina na huwag na huwag mo siyang tinatawag na baby lalong lalo na sa harap ng maraming tao?"

Tumingin sa akin si Chase at nag-puppy eyes. "Sorry. Hindi ko kasi maiwasan eh. Na-miss kita eh."

I rolled my eyes because of his cheesy lines. Siguro kung si Duke ang nagsabi noon kikiligin pa ako. 

Si Chase nga pala ang pinakamasugid kong manliligaw. Isa siyang Civil Engineering student. Isa siyang rakista. May banda siyang tumutugtog sa isang pub malapit sa subdivision, in fact siya ang vocalist ng banda nila. Ewan ko ba sa lalaking 'to, he's darn famous, hot, sauve- I mean look at him! He looks like Anthony Gastelier and everybody is drooling over him, yet he chose me. 

And yeah, he's a darn living Greek God, but I still chose to love my bestfriend who still see me as the five-year-old girl he saved from drowning. How ironic could that be?

"Just stop calling me baby okay? Especially when Duke is around." I said.

Umismid siya at itinaas ng bahagya ang kanang kilay. "Si Duke na naman. Paano naman ako, George?"

Magsasalita sana ako ngunit sumabat naman si Joyce. "Duh? Chase, assuming ka talaga. Si Duke ang bestfriend, ikaw naman ang two-year-suitor-ni-George-na-hindi-alam-kung-sasagutin-o-hindi. Gets mo pagkakaiba niyo? Siyempre walang wala ka sa kalingkingan ni-"

"Will you please shut up?! Naririndi tainga ko sayo. Kung hindi ka lang bestfriend ni George matagal na kitang pinatulan!" putol ni Chase sa sinasabi ni Joyce.

"So papatulan mo ako kahit babae ako? You are so impossible! Bakla lang ang pumapatol sa babae!" sagot naman ni Joyce. 

Are they arguing? Kasi papalit-palit ako ng tingin sa kanila habang nagpapalitan sila ng maaanghang na patutsada sa isa't-isa.

"So sinasabi mong bakla ako?! Hoy! Ang kapal ng muk-"

"Good morning class! I'm sorry I'm late." Natigil ang pag-aaway ng dalawa nang dumating na ang professor namin. Thank goodness!

Hindi na nga nagkasagutan ang dalawa pero matatalim naman na mga tingin ang binabato sa isa't-isa. Napatingin sa kanila ang professor namin at napako ang tingin kay Chase. "Mr. Hernandez, what are you doing here?" Nakataas ang kilay ni prof habang sinasabi ang mga iyon kay Chase.

Chaks and Chicks In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon