Chapter 9: The Threat

5K 110 64
                                    

GEORGINA'S POV

Pauwi na kami ni Duke sakay ng Hummer niya. Nakaupo ako sa passenger seat habang pumapapak ng one liter Selecta Rocky Road Ice Cream habang si Duke naman pangiti-ngiti habang nagda-drive.

"Ang saya saya ni Chaka ngayon ah. Anong meron?" Napawi ang ngiti niya at saglit na tumingin sa akin ng masama.

"Ulitin mo pa George hindi ka na talaga makakasabay sa akin kahit kailan." seryosong saad niya at muling itinuon ang mga mata sa kalsada. Nagagalit kasi siya kapag tinatawag ko siyang chaka at alam kong galit siya kapag tinawag na niya ako by my real name.

"Whew! Why are you so serious? Akala mo matatakot ako? If I know, hindi mo ako kayang tiisin." nakangiting sabi ko at sumubo na naman ng ice cream.

Tumingin siya saglit sa akin at tumawa.

"What's funny? Wala namang nakakatawa sa sinabi ko ah." Inismiran ko siya at sumubo na naman ng ice cream, "Ay sorry! Ayaw mo ba?" inalok ko siya ng ice cream. I forgot kasi. 

"Anong klaseng alok iyan? Sino ba namang timang ang kakain kung ang alok mo 'ayaw mo ba?'" saglit niyang tinanggal ang kanang kamay sa manibela at may dinukot sa kanang bulsa. Dinukot niya doon ang panyo niya at ibinigay sa akin, "Oh pahiran mo pisngi mo. Nagkalat na ang ice cream diyan. I can't wipe it, I am driving." dugtong pa niya.

Tinanggap ko naman ang panyo at tumingin sa side mirror, holy molly guacamole! Pinalilibutan ng ice cream ang mga labi ko! Agad ko namang pinahiran ang ice cream at nahihiyang tumingin na lang sa labas ng bintana. Natatawa ako sa sarili ko, I am already nineteen pero parang bata pa rin kung kumain.

Narinig kung tumawa ng mahina si Duke. Tinapunan ko siya ng masamang tingin.

"Ano?" natatawa niyang tanong.

"Stop laughing!" Inismiran ko siya.

"Hindi naman ako tumatawa ah." nakangiting sagot niya na hindi iniiwas ang tingin sa kalsada.

"Yes you are." mataray na sagot ko.

"Okay fine I'm guilty! Chicks, you are nineteen effin years old but you still eat like a nine year old girl." Maiinis na sana ako sa sinabi niya pero agad niyang dinugtungan ang sinabi niya, "But it doesn't mean that I want you to change. I like you that way."

My face turned pink when he said those words. How am I supposed to react? How am I supposed to response?

"Halika nga dito pakurot nga sa hita." Dugtong ulit niya at kinurot ako sa braso. Hobby niya iyon eh, pang-aasar ba. He loves to pinch my arms, legs daw kasi iyon.

"Aray naman! Enough na, Chaks! Mag-sounds na lang tayo." I linked my i-pod to the car stereo's head unit and my favorite song started to play.

"Nakakasawa na iyang Justin Bieber mo! Parang awa mo na araw-araw mo na iyang pinapatugtog." reklamo ni Duke nang pumailanlan ang One Time song ni Justin Bieber sa loob ng sasakyan.

Favorite ko kasi si Justin Bieber, I don't know, all I know is that I just like him a lot. Iyan ang hindi makuha ni Duke, kung bakit daw sa dinami-dami ng artist, si Justin pa ang favorite ko. I don't know either! One of my favorite songs is One Time. Walang araw na hindi ko ito pinapatugtog.

Hindi ko pinansin ang pagrereklamo ni Duke, bagkus nilakasan ko pa ang volume at sumabay kay Justin Bieber sa pagkanta.

Your world is my world, and my fight is your fight, my breath is your breath.

Chaks and Chicks In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon