Chapter 38: The Estranged Bestfriends

3.3K 50 18
                                    

DUKE'S POV

Isang araw na lang bago ang nalalapit na Miss SFAU kaya puspusan ang pagpra-practice namin ni George. She has the talent kaya hindi ako nahirapan sa pagtuturo. Ang kulang na lang sa kanya ay ang ilabas ang lahat ng iyon. Meron kasi siyang inhibition to give her best, palibhasa kasi hindi siya naniniwala na she can dance. 

Akala konga dati mahihirapan siya sa steps dahil hiphop slash lyrical dance ang napili kong isayaw niya, pero nagkamali ako. Na-memorize niya agad ang steps at hindi rin naman matigas ang katawan niya. Kaunting tikas pa ng galaw at pwede na siguro siyang maging miyembro ng Hippin Move. Ganoon kabilis ang pick-up niya.

"Good morning yaya, si Georgina po?" nakangiting tanong ko kay Yaya Marie na nagdidilig ng halaman. Nginitian naman niya ako at itinuro ang gawi ni Georgina. Matapos iyon dumiretso na ako sa loob ng bahay. Sumilay ang isang tipid na ngiti sa mga labi ko sa nakita ko pagkapasok. Karga-karga ni Georgina ang kuneho na ibinigay ko sa kanya at pinapakain ito ng carrots. Kung pagmamasdan mo ay parang itinuturing niya ito na para niya talagang anak.

"Here you go, Mrs. PB. Big mouth. Kain ng marami ha para maging big girl ka." Muntik na akong bumunghalit ng tawa sa narinig. She was talking to a rabbit like she was talking to a kid.Iyong mas nakakatawa pa ay iyong ipinangalan niya sa hayop, Mrs. PB?! Eh lalaki kaya iyon!

Naramdaman niya sigurong nasa loob na ako ng bahay dahil nilingon niya ako at ngumiti ng tipid. Tinanguan niya ako at sumulyap sa bakanteng pwesto ng upuan para paupuin ako doon. Sumunod naman ako, tumabi ako sa kanya at pinagmasdan lang siya habang kinakausap at hinihimas ang balahibo ng rabbit.

"Sa- saan galing iyan?" pagmamaang-maangan ko para lang may mapag-usapan kami. Nakakaramdam kasi ako ng tensiyon. Ewan ko ba, parang ang awkward nang tumabi sa kanya dahil sa mga nangyari nitong mga nagdaang araw.

"Well, regalo siya ni Papa God a few minutes before my birthday ended." Mababakas sa tono ng pananalita niya ang pagiging proud. Para bang sinasabi niya na she was special kasi niregaluhan siya ng Panginoon bago matapos ang birthday niya.

"Regalo ni Papa God? Baka naman may nagbigay sayo niyan, secret admirer ba." Nang-aasarkong saad. Pinigilan ko ang sarili kong hindi ngumiti nang umawang ang bibig niya at hinampas ako sa braso. Ang cute talaga niya kapag naiinis. Namiss ko 'to.

"Secret admirer ka diyan. Pero kung meron man, wala ka ng pakialam dun. Saka buti pa siya naalala ang birthday ko-" agad siyang natigilan sa sinabi niya.

Namilog ang mga mata niya nang may napagtanto siya na ewan ko kung ano. Pagkatapos ay pinalobo niya ang bibig niya, filling it with air at pinalipat-lipat niya ang bola ng hanging iyon sa kaliwa’t kanang parte ng bibig niya. Ginawa niya iyon ng kulang-kulang limang segundo bago muling nagsalita.

"Kasi ano.. Uhhm.. Kasi ako mismo hindi naalala ang birthday ko. Yeah, hindi ko nga naalala. Ang engot ko, sarili kong birthday hindi ko naalala! Ano kasi eh.. Sobrang pagod na ako nung araw na iyon. Grabe, practice kami ng practice para sa pageant na iyan. Pinagrampa pa ako ng ilang beses na nakasuot ng 5-inch heels. Sumakit kaya mga binti ko dun. Tapos ang sungit pa ng baklang nagtuturo sa amin. Gustong gusto ko na nga umuwi noon eh at humilata na lang. Kaya ayun, hindi ko man lang naisip na birthday ko pala. Pagod na pagod talaga ako nung araw na iyon. Grabe talaga, ang dami kong pagod. I was so tired and weary that day. As in sobra-sobrang pagod talaga."

Chaks and Chicks In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon