Chapter 32: Strangers Again

4.1K 54 18
                                    

MARCUS' POV

"Mukhang hindi na magkakaayos ang dalawa." pabulong kong saad sa kausap ko sa kabilang linya, si Tracy.

[Are you sure of that, AJ?]

"Kinuhanan ko ng pictures ang mga pangyayari. Umiiyak ang babae at parang galit na galit ang lalake. Mukhang hindi na talaga sila magkakaayos. So paano ba iyan, nagawa ko na ang pinapagawa mo sa akin. Magkakabalikan na ba tayo like you promised?"

Sinagot ako ng buntong hininga ng babaeng kausap ko sa cellphone. Sa ginawa niyang iyon, naisip kong nakataas na naman ang kilay niya at waring naiirita. Pero wala akong pakialam kahit ganoon ang pakikitungo niya sa akin, mahal ko siya eh. Lahat titiisin ko, lahat gagawin ko para sa kanya.

She wanted me to stalk these two people and break them up. Mukha naman silang mabait pero wala akong magagawa, mas mahal ko si Tracy.

[Kailangan ko munang makita ang pictures bago ko gawin ang gusto mo.]

"Bukas na bukas din dadaan ako sa inyo para ibigay ang mga pictures." determinado kong sagot sa kabilang linya at curious na nagtanong, "Sino pala ang mga 'to? Bakit mo sila pinasundan at bakit gusto mo silang mag-away?"

[AJ, pwede bang huwag ng maraming tanong? It's none of your business anyway. Sige na, matutulog na ako.]

Nakapagtataka man ay hindi na ako nangulit pa kung sino sila sa buhay niya. Napangisi na lang ako sa naisip. Failed man ako na pag-awayin ang mga iyon, gumawa naman ng paraan ang universe para mangyari ang nais ni Tracy. Nag-away nga sila at mukhang mas matindi pa sa inasahan ko.

Tiningnan ko ang mga pictures na kinuhanan ko gamit ang DSLR camera at tumawa ng mahina. "Matutuwa ang mahal ko dito."

***

DUKE'S POV

Malapit ng sumikat ang araw ngunit hindi pa rin ako umaalis sa kung saan ako iniwan ni Georgina. Nandito pa rin ako, nakahiga sa buhangin habang nakatingin sa langit. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari ngayong gabi, sa mga sinabi ni George. Pakiramdam ko binuhusan ako ng malamig na tubig. Ipinamukha sa akin ni Georgina na hindi lahat ng bagay ay masaya. Ganoon ang naramdaman ko kanina sa pag-amin niya.

Parang kailan lang ang saya-saya namin, para bang wala ng bukas kung makasayaw at makatawa. Sabog ang mga buhok at naliligo kami sa pawis pero napakaperpekto ng oras na iyon. Ang masayang gabi nauwi sa ganito, malungkot. Malungkot na malungkot, nakakalito.

Hayst! Hindi ko alam ang gagawin ko. May girlfriend ako na mahal na mahal ako, at may bestfriend din ako na mahal na mahal ako. Wala naman akong balak na mamili sa kanila dahil pareho silang mahalaga sa akin. Ayaw kong mawala si Tracy at ayaw ko din namang mawala si Georgina.

Lintek lang! Fourteen years ang friendship namin tapos masisira lang dahil sa mahal niya ako? Ano iyon?! Bakit kailangan pang mangyari ang lahat ng 'to? Bakit nahulog siya sa akin? All along akala ko hinding-hindi siya mahuhulog sa akin. Na akala ko lahat ng ginagawa niya ay dahil lang sa mag-bestfriends kami. 

Napabuntong hininga ako sa naisip. Naalala ko kasi nung mga panahong nagkagusto ako sa kanya. Siguro kung inamin ko sa kanya noon na nahulog ako sa kanya, siguro hindi na aabot sa ganito. Hindi siya masasaktan ng todo. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko? May mahal na akong iba. At bilang isang kaibigan niya, ibibigay ko ang gusto niya para hindi na siya muling masaktan pa.

Hahayaan ko na siya..

 ***

Back to Manila

♫♪ You shoot me down but I won't fall, I am titaaaaaniuuum ♫♪♫

"Hmm.. Chicks, tumigil ka na." Nagtakip ako ng unan nang narinig ko ang boses ni George. Ang aga-aga nambubulabog na naman ang babae. Ang sakit sa tainga ng boses, ang tinis.

Chaks and Chicks In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon