Chapter 10: The Three Of Us

4.9K 98 65
                                    

GEORGINA'S POV

"Hot pot of coffee!" 

Nilingon ko kung sino ang gumulat sa akin, it was Duke, kasama si Tracy. Sila pala iyong nagtatawanan kanina. 

"Are you going to kill me?!" Pinandilatan ko ng mata si Duke. Naiinis talaga ako kapag ginugulat ako. Hindi kasi ako makaget-over agad at nerbyosa akong tao.

Hindi pinansin ni Duke ang sinabi ko. He just kept on laughing. Teary eye na nga siya habang hawak-hawak ang tiyan na sumasakit na sa kakatawa. "Ang sarap mong picturan, Chicks! Epic talaga ang reaction mo!" aniya at inakbayan ako. I shrugged my shoulder off, but he moved me closer.

"Nakakainis ka talaga!" I looked at Tracy and guess what? She was smiling at me. Napaka-poise talaga niya kahit anong mangyari. 

"Sorry, sorry I can't help it. Ang cute mo kasing magulat eh." aniya at kinurot ako sa pisngi. Iwinasiwas ko naman ang daliri niya dahil sa pagkainis.

"Huwag mo nang uulitin iyon or else hindi na kita bati forever!" inismiran ko siya at humalukipkip .

"Eengk! Wrong answer! Alam ko naman na hindi totoo iyan." Kampanteng sagot niya.

"Ehem!" Napalingon kami kay Tracy nang tumikhim ito. We forgot that she was with us pa pala. She folded her arms and gave us a hello-I'm-still-here kind of smile.

I smiled back at her and said sorry, then I turned to Duke, "What the heck are you doing here pala?"

"Ah oo nga pala! Nagpasama kasi si Tracy para tingnan iyong listahan ng nakapasa sa audition." He said without taking his arm off my shoulder. Sana habang buhay na lang ganito, iyong parang wala siyang pakialam sa mundo. Iyong parang dalawa lang kami at walang ibang kasama. Paano kaya kung sabihin ko sa kanyang mahal ko na siya? Aakbayan pa niya kaya ako ng ganito? 

"Oh my God! I passed!" hiyaw ni Tracy.

Sa sobrang saya nito napayakap siya kay Duke at ang malandi ko namang bestfriend ay parang natuwa pa, tinugon din niya ang yakap ni Tracy. Kailangan ba talaga na sa harap ko pa sila magyakapan? Pinipigilan kong hindi magtaas ng kilay kasi naiinis talaga ako sa nakikita ko. I wanted to pull her away from my bestfriend, away from my Duke! Naramdaman kong may kung anong matalim na bagay ang tumarak sa puso ko. Ang sakit!

"Congratulations! You made it, welcome to the club." sabi ko kay Tracy nang naghiwalay sila sa pagkakayakap. A fake wide smile flashed on my face. Ang lawak ng pagkakangiti ko pero sa totoo lang gusto kong umiyak. Nasasaktan ako!

"We have to celebrate! Libre ko kayo ng snacks sa cafeteria. Tara, Chicks!" Hindi na ako nakatanggi nang hinila ni Duke ang kanan kong kamay papunta sa cafeteria.

Goodluck na lang sa akin!

* * *

Chaks and Chicks In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon