Chapter 43: Bestfriends' Dilemma

2.8K 51 15
                                    

GEORGINA'S POV

Nakakabinging katahimikan ang namayani sa loob ng sasakyan. Walang sinuman sa amin ni Duke ang may kusang bumasag sa katahimikan na iyon. Sa part ko, natatakot akong mauna baka masupla lang ako. Ewan ko na lang sa part ni Duke. Or maybe I'm just paranoid? Baka naman kasi wala naman talagang problema at ako lang 'tong nag-iisip masyado.

Natatawa ako sa sarili ko. Baka nga all along ako lang pala ang masyadong nag-iisip. Naprapraning lang ata ako. Kakanood 'to ng koreanovela.

"Hoy nababaliw ka na naman." untag ng katabi ko. Nagtatakang nilingon ko siya at tinanong kung ako ba ang kausap niya.

"May nakikita ka pa bang ibang tao dito sa sasakyan bukod sa akin? Ako natatakot na sayo ha. Kanina tumatawa kang mag-isa tapos ngayon tinatanong mo ako kung ikaw ang kausap ko."

Lalo akong natawa nang napagtanto kong nagmukha na naman pala akong tanga. Geez ano ba 'tong pinagsasabi ko? Napapaghalataan tuloy na tanga ako. Hindi ako iyan. 

'Wala akong kilalang Georgina Aquino.' pati inner voice ko itinatwa ako. Diyos ko laganap na talaga ang pagiging cute ko ay engot pala.

Inunat ko ang mga braso at binti ko at inihilig ang ulo sa balikat ni Duke. Okay, just to make it clear lang ha hindi ako sumisimple. Just so you know dati ko pa ginagawa kay Duke 'to.

"Chaks.." The tension between us faded away because of my embarrassing moment. Thanks to my 'natural stupidity'. I must high-five myself for that. So yeah, I guess ito na ang tamang oras para tanungin si Duke sa pagsusuplado niya.

"Bakit?" he said in a serious tone habang nakatuon pa rin ang mga mata sa kalsada.

I cleared my throat first and asked him. "May problema ka ba?"

Namagitan muna ang ilang segundong katahimikan at humugot muna siya ng buntong hininga bago ako sagutin. "Wala naman. Bakit mo naitanong?"

Tingnan mo 'tong taong 'to nag-dedeny pa. Sobra kaming close at kilalang-kilala ko na iyan si Duke kapag may pinagdadaanan. Pero siyempre wala namang magnanakaw na umamin na magnanakaw siya di ba? I'm not saying na magnanakaw si Duke, I'm just comparing him to a thief. 

Wait, did I just compare him to a burglar? I'm unbelievable! Minsan kapag nagko-compare ako ng isang bagay para maging malinaw lang ang mga bagay bagay ay mas lalo lang lumalala at gumugulo. Katulad ngayon, hindi ko na naiintindihan pinag-iisip ko. Napapailing na lang ako. Tiningnan ko si Duke at pinisil ang pisngi niya.

Napangiwi siya sa sakit at naiiritang tinapakan ang brake ng sasakyan tapos lumingon sa akin. "Ano ba?! Bakit ka nangungurot?"

Humagalpak ako ng tawa sa reaction niya. Umangat kasi ang kilay niya at halatang naasar. Lalo akong natawa sa reaction niya. I miss this, a lot.

Chaks and Chicks In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon