Chapter 30: The Revelation

4.1K 60 27
                                    

A/N: Wag niyo akong papatayin dahil wala dito ang confession. HAHAHA! Pero huwag kayong mag-alala iiyak kayo dito. Maghanda na kayo ng tissue, panyo, towel, comforter, kutson o scratch paper pampunas ng luha. Pag hindi kayo umiyak.... ako ang iiyak. Hahaha!

______________________________________

GEORGINA'S POV

Nanatili kami sa ganoong posisyon for like thirty seconds. Walang sinuman sa amin ang kumalas sa pagkakayakap marahil ay pareho din kaming nagulat sa mga namutawi sa aming bibig. Sa totoo lang, nagulat talaga ako sa sinabi niya. Come on, he just said he loves me! Alam ko namang walang ibang ibig sabihin iyon and it's purely platonic, but I can't help not to shiver. The dragons in my stomach were still fluttering. Hindi na nga sila magkasya sa tiyan ko dahil habang pinapatagal ko ang pagkakayakap ko kay Duke ay lalo lang din silang lumalaki. I lost count already how many times these dragons furiously roamed in my stomach.

Tinapik ko siya sa likod upang ipaalam sa kanya na kakalas na ako sa pagkakayakap. Hindi naman sa nag-iinarte ako. Sa totoo lang, gustong gustong gustong gusto ko ang kalagayan ko ngayon. Being wrapped around in his arms is the most comfortable zone in my life and I will not trade this moment even if someone offer me the best of the world. Kahit hainan pa ako ng free trip to Neverland, I will always choose to stay in his arms.

"Sorry" saad niya nang kumalas ako. I don't know what he's sorry for. Is he sorry for hugging me too long or sorry for saying that he loves me? Nalilitong tinapunan ko siya ng tingin at nagtanong kung para saan ang sorry niya.

"Naipit ata kita eh. Napahigpit ang yakap ko." sagot niya sa akin at natatarantang nag-iwas ng tingin.

Pumakawala ako ng mahinang tawa. No scratch that, mahinang pekeng tawa pala. I need to do that to release the tension between us. Para kaming mga eng eng na nag-iiwasan ng tingin, awkward.

"O- oo nga. Muntik na nga akong mayupi." I joked.

Natawa si Duke sa binitawan kong joke pero halatang pineke niya lang ang tawa niya. Sa tinagal tagal naming magkaibigan alam ko na ang tawang totoo ni Duke. Iyong tawa niya kasi ngayon hindi galing sa puso. Parang tumawa lang siya dahil sa nag-joke ako, hindi dahil sa nakakatawa ang joke ko.

Humagalpak din ako ng tawa at napahampas pa sa braso ni Duke. Hello? Para saan pa't naging President ako ng Actors Guild kung hindi ako marunong umarte. Wala akong masabi kaya tatawa na lang ako. Makalipas ang ilang minuto ay unti-unti namang humupa-- well more like napagod sa pagpapanggap kaya nanahimik kami pareho. Maingay at masaya ang paligid dahil sa tugtog ng banda pero kami ni Duke, heto panaka-nakang sinusulyapan ang isa't isa.

He brushed his hair and glanced at me, then turned away when I saw him. I know there was something that was bothering him. Pareho kaya kami ng iniisip? Gusto ko kasing magpaliwanag tungkol dun sa sinabi ko kanina. You know, the i love you thing. Natatakot akong malaman niya na may laman ang mga katagang iyon. Paano kung maisip niyang mahal ko siya nang higit pa sa pagiging kaibigan, would he loves me too or just... dump me?

Pero di ba sabay pa nga kayong nag-i love you? Sigaw ng isip ko na mabilis ko namang iwinaksi. Ayoko naman din kasing mag-assume na may--

Chaks and Chicks In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon