Chapter 12: The Favor

4.8K 90 86
                                    

GEORGINA'S POV

Alas dose na ng madaling araw ngunit hindi pa rin ako makatulog. Nakatingin lang ako sa kisame at as usual, umiiyak na naman. Nasaktan na naman ako ni Duke eh. 

Falling in love with my bestfriend is the most wonderful thing I have ever felt in my entire life, yet the most painful than I could ever imagined. I'm an effin actress! I can act that nothing is going on with my heart. I can act like he's just a friend, but deep inside, It hurts so damn much. 

Naalala ko lang ang pinag-usapan namin ni Duke kanina sa garden. Lumapit siya sa akin at may ibinulong,

"Chicks, pwede mo ba akong tulungan na manligaw kay Tracy?" 

Nagulat ako sa sinabi niya dahilan upang lumayo ako ng bahagya sa kanya. "What? No way!" Eksaheradang sagot ko sa sinabi niya. Hindi ko mapigilang magtaas ng kilay at boses sa kanya kasi naman naiinis ako. Talagang naiinis ako ngayon kay Duke, katatapos niya lang mag-sorry tapos ito na naman.

"Aray!" Tinakpan niya ang kaliwang tainga niya dahil sa lakas ng pagkakasabi ko.

"Basta ayoko! Ang laki laki mo na nagpapatulong ka pa ring manligaw sa akin!" Humalukipkip ako at inismiran siya.

"Chicks naman.." lumapit siya sa akin at inakbayan ako. "Alam mong ikaw lang ang maaasahan ko eh. Saka last na 'to promise."

Tumingin ako sa kanya saglit at pinisil ng madiin ang ilong niya. Sobrang gigil na gigil ako sa mga pinaggagagawa niya sa akin.

Napahawak siya sa namumulang ilong niya nang binitawan ko iyon. "Ano? Kontento ka na? Pwede mo na ba akong tulungan?'

Inismiran ko na naman siya. "Ayoko nga sabi. Ano ka, sinuswerte?! Che!" 

Umalis siya sa kinauupuan niya at humarap sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko. "Please?" pagsusumamo ni Duke.

Mahabaging langit huwag Niyo pong pahintulutan na mahulog na naman ako sa mga drama niya.

Sinalubong ko ang mga tingin niya sa akin. I am drowning with the look that he was giving me. If he only knows that I am hurting and at the same time struggling to fight the tingling happiness that my heart feels.

"Sige ganito na lang, sasama ako sayo sa concert ni Justin Bieber next month kapag tulungan mo akong ligawan si Tracy."

Nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang bibig sa sinabi niya. Mautak talaga ang mokong, ginamit pang pambala si Justin Bieber para lang pumayag ako. Napipi na naman ako. I like Justin Bieber, but I love Duke!

"Ano? Okay ba iyon, Chicks?" seryosong tanong niya. Wala siyang kaalam-alam sa gumugulo sa isip ko. Akala niya ganoon lang ka-simple iyon.

Chaks and Chicks In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon