Chapter 27: Ouch On The First Day

4.7K 64 26
                                    

DUKE'S POV

"Nasa madilim na lugar ka at wala kang kasama..."

Naglalakad ako sa isang abandonadong lugar at tanging ilaw mula sa liwanag ng buwan lang ang nagsilbing ilaw sa aking dinadaanan. Totoo ba 'to? Bakit mag-isa lang ako dito? Nasaan ang mga tao?

"Biglang umihip ang malamig na hangin.."

Damn! Ano iyon? May multo ba? Minumulto ba ako ni tito? Natatakot na ako. Tito tumigil ka na, wala akong ginawang masama sayo nung nabubuhay ka pa. Humampas ulit ang malamig na hangin sa aking balat dahilan para yakapin ko ang aking sarili. Nasaan ba ang mga tao? Puro abandonadong sasakyan at bahay lang ang nakikita ko. Pakiramdam ko nasa The Walking Dead ako. Apocalypse na ba? Nasaan sina mama't papa? Si Chicks? Si tita? Si Tracy?

"Mapapalingon ka at may makikita kang babaeng nakaputing bestida na may mahabang manggas.. Natatakluban ng mahabang itim na buhok ang kanyang mukha at tanging kanang mata lang ang nakasilip sa iilang hibla ng buhok.."

May kumalabog sa likuran ko. Lumingon ako at nakita ko ang babaeng nakaputing bestida na may mahabang itim na buhok ang gumagapang palabas ng trash bin. Dahan-dahan siyang gumagapang at nagla-lock pa bawat galaw niya sa katawan. Aba hiphop na pala ngayon si Sadako?

Damn! Nagbibiro pa ako gayun hindi ko na nga maintindihan ang mga nangyayari. Palapit siya ng palapit habang ako naman ay parang tuod lang na hinihintay ang paglapit niya. Palakas ng palakas ang tibok ng puso ko. Natatakot na talaga ako. Bawat lock ng katawan ng white lady na 'to ay limang tibok ng puso ko ang pinapakawalan ko per millisecond! Shit! Ilang pulgada na lang ay maaabot na niya ako. Kung bakit kasi hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Gusto kong tumakbo pero tila nilagyan ng glue ang mga sapatos ko at nakadikit lang siya sa sementong tinatapakan ko. Sinubukan kong tanggalin ang paa ko sa sapatos pero hindi ko pa rin maiangat ang mga paa ko. Ano ba nangyayari?!

"Ayan na siya, Chaks.. Malapit na siya.. Kukunin ka na niya.."

Wait, what? Tinawag akong Chaks ng white lady? Si Chicks ang..

"Chicks!"

***

"Chicks!" Hinihingal na sambit ko nang nagising mula sa masamang panaginip. Ipinilig ko ang ulo ko dahil sa bangungot na iyon. Grabe, pinagpawisan ako dun ah. Muntik na akong mamatay lintek!

"Good morning sleepy head!"

Napalingon ako sa pinagmulan ng boses na iyon. Nakita ko si George na nakahiga sa kanang parte ng kama. Nakatagilid siya paharap sa akin at nakaunan sa dalawang braso niya. Nakangiti siya sa akin na para bang may ginawa itong kalokohan.

"Ka- Kanina ka pa ba nandito?" singhal ko.

 “Sungit mo naman, Chaks. Parang dinadalaw ka lang eh.” 

 

Chaks and Chicks In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon