Chapter 40: Abduction

3.4K 63 21
                                    

A/N: Ito na naman ako. Sweetpeas i-play niyo ang multi pag may makita kayong author's note at the middle ha? Kailangan niyo talagang i-play iyon. Like kailangan na kailangan. Sobra. Sino kausap ko? 

_______________________________________________________

CHASE' POV

Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis sa ginawa ni Duke. Tinulungan lang naman niya si George pero ang sakit sa matang makita silang dalawa na magkadikit, at ang sakit sa dibdib ang makita kung gaano kalagkit ang mga tinginan nila sa isa't isa. Damn! Their dance was sexy and touchy, halos magdikit na mga labi nila dahil sa sobrang lapit nila sa isa't isa.

Tumiim ang bagang ako at ibinaling sa iba ang tingin. Pero kahit na gawin ko iyon, hindi pa rin maalis sa akin ang pagseselos. Damn! God knows how much I wanted to grab Duke away from her. Wala akong karapatang magselos dahil manliligaw lang ako, pero anong magagawa ko kung ito ang nararamdaman ko ngayon? Selos na selos ako! 

Hindi ko kayang makita silang dalawa at marinig ang mga taong ipinagsisigawan kung gaano sila kakilig-kilig. Lumabas ako ng auditorium at nagtungo sa ground field. Humugot ako ng isang stick ng sigarilyo sa bulsa at sinindihan ito. Kailangan ko ng pampakalma.

"Bawal mag-cigarette dito." Nilingon ko ang nagsalita at nakita ko si Joyce.

Lalong umasim ang mukha ko nang nakita ko siya. Banas ako sa babaeng 'to eh. Paano kasi, lagi niya akong binabara. Kung hindi lang siya babae, pinatulan ko na.

"Badtrip ako ngayon, huwag mo akong simulan." Walang emosyong tugon ko sa kanya matapos bumuga ng usok. 

"Oh really? Natatakot na ako sayo." Sagot niya na pinanginig pa ang katawan. Kunyari natakot siya sa akin.

"Tch."  Muli akong humithit ng sigarilyo at hindi siya pinansin.


Hindi ko inasahan ang ginawa niya, inagaw niya sa daliri ko ang sigarilyo at tinapon iyon.

"What the fuck is your problem?!" Mabilis kong inapakan ang sigarilyo dahil sa damo ito bumagsak. "Tanga ka ba?! Damo iyan oh, makakasunog ka pa!"

Tangna lang! Badtrip pa naman ako ngunit biglang napawi ang pagkainis kong iyon nang nakita ko siyang tumahimik. Nanlaki ang mga mata niya at napaatras ng bahagya. Natakot siya.

Sa tinagal-tagal kasi ng pag-aasaran namin, ngayon ko lang siya namura at ngayon lang din ako nagalit ng ganito sa kanya. Nabigla din kasi ako sa ginawa niya at sakto pang badtrip ako, siya tuloy ang napagbuntunan ko. 

"I- I'm sorry." nauutal na sabi niya at tumalikod, pero bago pa siya makaalis, hinawakan ko na ang kamay niya at hinila. "Chase!"

"Huwag kang umalis..." 

***

JOYCE' POV

"Huwag kang umalis.." Pigil ni Chase.

Kinabahan, nalungkot at kinilig. Iyan ang naramdaman ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko sa ginawang paghila sa akin ni Chase. Nagulat man ako sa ginawa niya, hindi ko pa rin naiwasan ang hindi makaramdam ng lungkot sa tinig niya. Parang he needs someone to talk to. I don't know, iyon kasi ang sinasabi ng instinct ko.

But wait, wala akong gusto sa kanya noh. Antipatiko kaya siya tapos mayabang pa. Saka nagtratrabaho lang siya para matustusan ang pag-aaral niya. Paano ko siya magugustuhan? He's way out of my league. Saka ano, paano kapag maging boyfriend ko siya? Paano kami magdi-date? Baka makailang date na kami hindi ko pa maranasan mai-upsize niya ang Coke sa value meal. Tapos magli-live in lang kami kasi hindi niya ako kayang pakasalan, tapos aanakan niya lang ako. Tapos maghihirap kami, tapos hindi na ako makakabili ng bagong underwear. Tapos magiging losyang ako at mangangamoy bawang. Tapos, tapos. Gaaaa!

Chaks and Chicks In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon