Chapter 18: We're Not Lovers, We're More Than Friends

4.8K 93 64
                                    

A/N: This chapter is dedicated to my baby cousin, Wella. Cute at mabait na bata to. Last ko siyang nakita elementary pa lang, ngayon highschool na! Ang tanda ko na siguro. Waaaa! Wella, asya ini an akon promise imo. Basaha naman. Haha! Send my regards to the whole Jumagdao clan. Love you!

 ________________________

DUKE'S POV

"What if.. What if I tell you that I am in love with you?"

Muntik na akong mabuwag sa kinauupuan ko sa narinig ko dahil sa gulat. Sa totoo lang hindi ko inaasahan ang tanong niya. Akala ko kung ano lang kaya niya ako tinawag. Nababaliw na ba siya? Siya na si Georgina Aquino, in love sa akin? Tch. Hindi kapanipaniwala, pero ang lakas ng tibok ng puso ko ngayon. Takte! Nararamdaman kong nag-iinit ang tainga ko at para bang gusto kong magsasasayaw sa narinig ko. Alam kong mali itong nararamdaman ko kasi bestfriend ko siya, pero putek talaga hindi ko maiwasang kiligin eh! Nababading na ako. Highschool ako noon nung huli kong naramdaman ang ganitong pakiramdam, nung hinalikan ako sa pisngi ng crush ko.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Paano nga ba ako magre-react sa sinabi niya? Eh paano nga kasi kung totoo? Pero imposibleng totoo. Tch.

Georgina, ano ba pinagsasasabi mo? Pinagtritripan mo  na naman ako.

"Uy! Mukha ka ng tuod diyan. Binibiro lang naman kita. Haha!" Hinampas niya ako sa braso tapos tumawa.

Ewan ko ba, imbes na makahinga ako ng maluwag parang nakaramdam pa ako ng kaunting kirot sa puso. Hayst, nahihibang na rin ako. Masyado ata akong nadadala sa trip ng babaeng 'to. Tch.

"Mukha kang ewan, Chaks. Bakit, akala mo totoo na ba?" untag niya sa akin nang hindi pa rin ako nagsasalita. Tawa siya ng tawa. Walanju talaga! Pinagtripan lang ako. Akala niya ha, lintik lang ang walang ganti!

Umusog ako palapit lalo sa kanya at inilapit ang mukha ko sa mukha niya. Unti-unting naglaho ang mga ngiti sa mukha niya at napalitan iyon ng pangangamba. Natahimik at hindi siya nakagalaw sa kinauupuan niya. Inilapit ko pa lalo ang mukha ko sa kanya hanggang sa isang dangkal na lang ang pagitan naming dalawa. Tinitigan ko siya sa mga mata pababa sa may ilong hanggang sa napako ang mga mata ko sa kanyang mga labi. Awtomatiko namang hinawakan ng kamay ko ang baba niya at tinitigan siya. Nakatingin lang din siya sa akin, para bang naghihintay din siya sa kung ano ang susunod kong gagawin. Alam kong kinakabahan si Georgina kasi naririnig ko ang tibok ng puso niya. Ang lakas, parang mga kabayong nagkakarera.

Sa totoo lang wala akong intensiyon na halikan si Georgina. Balak ko lang namang pisilin ang ilong niya, pero parang may nag-uudyok sa akin na halikan ang mapula niyang mga labi na kaunti na lang ang distansiya sa mga labi ko. Dammit! This is wrong! She is my bestfriend, pero bakit ako nakakaramdam ng ganito para sa kanya. Takte! Ayan na naman ang puso ko. Ang lakas-lakas tumibok! Hindi 'to pwedeng mangyari, kaya bago pa mahuli ang lahat kailangan ko ng tapusin 'tong trip ko. Nag-ipon ako ng lakas ng loob para mapigilan ang sarili kong halikan siya at magawa ko ang dapat kong gawin. Pinisil ko ang ilong niya at nagkunyaring natawa sa itsura niya.

"Ouch! You bastard! Ang sakit nun ah!" bulalas niya at hinampas ako sa braso.

Chaks and Chicks In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon