Chapter 3: Taming Little Duke

5.8K 134 108
                                    

A/N: I dedicate this chapter to one of the Wattpad authors that I actually look up to, hands down ako sa mga works niya at sa mga twist na ginagawa niya sa mga story na sinulat niya. :))

 

______________________________________________________

YAYA MARIE'S POV

Nasaan na kaya ang batang iyon? Hinanap ko na siya sa lahat ng sulok ng bahay pero hindi ko talaga siya nakita. Diyos ko po! Baka na-kidnap na tapos pinatay at inalay ang dugo sa mga ginagawang tulay o di kaya ibenta ang mga lamang loob.

Napa-sign of the cross ako sa naiisip ko. Ayokong mag-isip ng masama pero isang oras nang nawawala si Georgena namin. Hindi ko pa sinabi kina maam at sir. Natatakot kasi ako baka mapagalitan ako. Malamang! Papagalitan talaga ako ng mga amo ko, nag-iisang anak lang nila si Georgena. Hay naku paano na ‘to?

"Georgena, nasaan ka na?" nag-aalala kong bulong sa sarili.

Bigla akong napatalon nang nag-ring ang telepono! Si maam na ‘to. Ganitong oras tumatawag si Maam Elesa para kumustahin si Georgena. Patay! Anong gagawin ko?

Nakalimang ring na ata ang nasa kabilang linya bago ako nagkaroon ng lakas ng loob upang sagutin ang telepono.

“Hilo?” kinakabahan kong sagot sa kabilang linya.

“Marie? Bakit ang tagal mong sagutin ang telepono?” Naku si Maam Elesa nga!

“Ah.. eh. Nalego po kasi ako maam, si Manang Cora naman po namalingki.” pagdadahilan ko.

 

“Ah ganun ba? Si Georgina kumusta? Nakakain na ba?”

Patay! Ang turo sa akin ng mga magulang ko masama ang magsinungaling, pero sa pagkakataong ‘to mukhang kailangan na kailangan kong gawin. Diyos ko po! Patawarin Niyo po ako!

“O-opo maam. Busog na busog nga po siya eh."

“Mabuti naman. Pakausap nga sa baby ko.”

Patay! Pinagpawisan ako ng malamig kahit naka-centralized naman ang aircon ng bahay. Paano na ‘to? Sasabihin ko na bang nawawala si Georgena?

“Maam ano kasi..”

“May problema ba, Marie?”

 

Lumunok muna ako ng laway bago nagsalita. Kaya ko ‘to! Bahala na mamaya. “Si Georgena po kasi-"

“Yaya!”

 

Si Georgena!

Chaks and Chicks In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon