Chapter 14: The Letter

4.6K 84 58
                                    

GEORGINA'S POV

Dear Tracy,

         Since the day I saw you in the theater room, I already know that you are the one that I have been looking for. I thought you were a living angel who passed infront of me that day. I can't stop thinking of your smile, your evil crooked smile. I know there is something evil behind it. The way you flipped your hair and the way you smiled at Duke. I know you do it purposely because you have a hidden motive behind your sweet-

"Gosh! I hate this!" I exclaimed. 

It was already 9:00 o'clock in the evening and I am still here writing a love letter to the Barbie Doll, Tracy Pascual. Tiningnan ko ang trash bin na nasa gilid ng vanity mirror, puro crampled stationary ang laman nun. Hindi kasi ako makapag-concentrate sa sinusulat ko, because all I could ever think of was the hatred I feel for Tracy.

Hindi na ako nagtaka kanina nang humingi ng pabor si Duke sa akin, kasi ako naman palagi ang gumagawa ng love letter na binibigay niya sa mga nililigawan niya. Tamad kasi siyang magsulat. Pero magkaiba na ngayon. Dati, hindi ako nasasaktan habang nagsusulat ng love letters, pero ngayon nasasaktan na ako at naiinis kasi mahal ko na siya! Mahal na mahal! Pwede naman akong humindi, pero mahal ko siya kaya hindi ko siya matanggihan.

Then again I got another sheet of stationary and held my pen. Pero imbes na magsulat napako ang mga mata ko sa picture namin ni Duke na naka-frame at nakapatong sa bedside table ko. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa study chair at lumapit sa kama upang kunin ang picture frame. 

Sixteen year old pa lang kami nun at nag-cutting class kami para pumunta sa Timezone. I was wearing a white uniform blouse with maroon plaid neck tie and he was wearing a white t-shirt. Naka-akbay siya sa akin habang ako naman naka-pogi pose. Magulo ang hairstyle kong fishtail braid at siya naman ay naka-spike hairstyle pa noong araw. Katatapos lang namin maglaro ng Rambo at House of The Dead nun at naisipan naming magpapicture sa machine operated na photobooth.

Sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi ko nang naalala ko ang matamis na alaala na iyon. Niyakap ko ang picture frame at dinala yun sa study table. Kinuha ko na ang ballpen at nagsimulang magsulat habang nakasilay pa rin ang mga matamis na ngiti sa labi ko.

* * *

"Mag-seatbelt ka." ani Duke nang nakasakay na ako sa sasakyan niya. Papunta na kami sa school. I was wearing a pink polo shirt, skinny jeans and white sneakers while Duke was wearing a red plaid long sleeves tucked in a black skinny cut jeans.

"Di na, okay na ako dito." sagot ko habang hindi nakatingin sa kanya. Abala ako sa paghahagilap sa love letter na inipit ko sa loob ng Logic notebook ko.

Nang inangat ko ang mukha ko ay mukha agad ni Duke ang nakita ko. Kinuha niya ang strap ng seatbelt sa kanang bahagi ko at ikinawit iyon sa buckle na nasa kaliwang bahagi nman. Muntik nang magkadikit ang mga mukha namin at pakiramdam ko nagsiakyatan lahat ng dugo ko sa mukha ko dahil sa init na naramdaman. It's not the usual init na nararamdaman ng lalake when he sees daring woman, it's different. Nagbla-blush ako, iyon lang.

"Ano nangyari sayo? Bakit namumula ka?" tanong ni Duke nang nag-angat siya ng tingin sa akin.

Chaks and Chicks In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon