Chapter 44: Rockwell Pub

2.7K 57 57
                                    

Facebook page: https://www.facebook.com/pilosopongbashaWP

_____________________________________________________________________

JOYCE' POV

"I'm going to sing."

Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para maisipan na kantahan si Chase. Kinakabahan ako pero ewan ko ba, I feel like I have to do this. Hindi ko na kasi kayang itago pa ang totoong nararamdaman ko para sa kanya. Parang sasabog na kasi ang puso ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Oo, inaamin kong ako ang may gustong lumayo siya pero noon iyon. Nagbago na isip ko ngayon dahil napagtanto kong hindi ko pala kayang mawala siya.

I tapped the microphone and again, it created an annoying sound. Why does this mic have to interfere always?! Nakakadagdag lang 'to sa kaba na nararamdaman ko. Hindi na lang kasi makisama, baka mamaya maging palpak pa ang pagkanta ko.

Dear God, huwag Niyo sanang hayaan na mangyari iyon. I prayed silently.

Tumingin ulit ako kay George at nakita ko kung gaano siya kadismiyado sa ginawa ko. "Get off that stage now!" pabulong pero madiin niyang utos.

Inilayo ko sa bibig ang mic para hindi marinig ng nakararami ang sagot ko kay Georgina at yumuko upang marinig niya ako. "Trust me on this okay?"

Wala ng nagawa si George kundi ang sumang-ayon na lang at as usual, mag-thumb suck na naman. Nate-tense kasi siya. I mean who's not? Kahit ako nate-tense. Namamawis na nga palad ko at hindi na ako magtataka kung mag-buckle ako mamaya.

Tiningnan ko si Chase sa bar. Nakaupo siya doon at nakatalikod sa akin. He's with a girl and it hurts so much seeing them together. Alam niya ang ginawa kong pag-akyat sa stage dahil nakita niya ako pero wala man lang siyang reaction. Hindi man lang niya ako pinansin.

Ang sakit-sakit. Parang hindi ako naging parte ng buhay niya. Parang hindi niya sinabi sa akin noon na gusto niya na ako. Ano kaya iyon? Kung magulo ako, mas magulo siya! Hindi ba niya alam na mahirap para sa akin ang gawin 'to? Nagpakumbaba ako para sa kanya pero hindi man lang niya ako pinapansin. Ni sulyap man lang hindi niya magawa. Nevertheless, ma-appreciate man niya ako o hindi, at least I will have no regrets at the end.

Humarap ako sa maraming tao at inilagay ang mic sa stand. Whew! I'm sweating. Nakakakaba talaga 'to. Kahit sino sigurong babae ganito din ang mararamdaman kapag humarap sa maraming tao at kantahan ang taong gustong-gusto niya. Bahala ng isipin ng iba na ang cheap ko. Wala na akong paki dun. Basta ang mahalaga maiparating ko kay Chase na mahal na mahal ko siya at hindi ko kayang mawala siya.

I swallowed a lump and plastered a sheepish smile. "Okay..." I paused for a while to heave out a deep sigh. "There's this one guy that I like so much, but I pushed him away. I was scared of falling in love with him because I know that I don't have the guts to stand up for him, so I told him to stay away from me and look for someone else." I threw a glance at Chase hoping that he would turn but he didn't.

Nanatili siyang nakatalikod at kausap ang babaeng kasama. Panay tawanan sila tapos may pahampas-hampas pa sa braso niya ang babae. Nakakaasar at nakakaiyak ang makita silang ganoon. Ako dapat ang kasama niya ngayon. Ako dapat iyon. Ang sakit-sakit kasi ang manhid niya!

I looked up to hold back the tears that are about to fall and faced him. "Chase.."

Lumingon sa akin ang babaeng kasama niya at siniko siya ngunit ginantihan niya lang iyon ng tawa. Anong akala niya sa ginagawa ko, joke? Grabe ang sakit! Ni hindi man lang siya lumingon kahit na tinawag ko siya. Parang wala lang sa kanya. Nagbingi-bingihan lang siya at nagpanggap na wala ako.

Chaks and Chicks In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon