Chapter 17: One Night

4.9K 87 56
                                    

A/N: This chapter is dedicated to my one and only Gager! :D Lady Gager, ito na oh nakapag-dedicate na ako sayo. Huwag mawalan ng pag-asa ha, lahat ng writers started from a scratch. Guys, check niyo ang stories niya ang cute. Bagay na bagay sa mga teens. :))

__________

GEORGINA'S POV

"Come with me." Hinila ni Chase ang kamay ko at naglakad kami palayo sa lugar na iyon. All I know right now is I have to get away. I want to unwind. I want to be happy.

Dinala kami ng mga paa namin sa parking area ng school. Kumuha siya sa motor niya ng extra helmet at isinuot iyon sa akin. "Where are we going?" 

"Sa lugar kung saan makakalimutan mo ang nagpaiyak sayo." makahulugang sagot niya sa tanong ko.

Maya-maya lang ay isinuot na niya ang kanyang Monster helmet at sumakay na ng motor. Tumingin siya sa akin. "Sakay na."

"Huh? But I have never been on a motorcycle in my whole life." Kinakabahan kong sagot sa kanya. Hindi pa ako nakasakay ng motor sa buong buhay ko. Natatakot ako sa kadahilanang baka matumba kami at isa pa hindi ako sanay na kasama si Chase. Binasted ko na nga siya kanina tapos siya pa ang kasama ko ngayon.

"Ako bahala sayo. Hop on! Gayahin mo lang ang pwesto ko." 

Nagdadalawang isip man ay atubiling sumakay pa rin ako sa motor niya. Ginaya ko ang puwesto niya which is panlalakeng upo tapos nag-aalangang humawak ako sa balikat niya.

"Huwag kang humawak diyan baka mahulog ka." Kinuha niya ang dalawa kong kamay at ipinulupot sa baywang niya. Agad ko naman iyon tinaggal. "Ano ka ba? Hindi ako dumidiskarte sayo. Huwag kang mag-alala. Inaalala lang kita baka mahulog ka."

Bigla namang namula ang pisngi ko. Oo nga noh? Siya na nga 'tong nagmamalasakit, siya pa 'tong pinag-isipan ko ng masama. "I'm sorry." I'm guilty.

Tumango lang si Chase bilang sagot tapos hinayaan ko na lang siyang ipulupot ang mga kamay ko sa baywang niya.

"Let's get it on!" Napasigaw pa ako nang pinaharurot niya ang motor kaya biglang humigpit ang pagkakayakap ko sa kanya. Humagalpak ng tawa si Chase sa reaction ko kaya hindi ko napigilan ang sarili kong hampasin siya sa balikat.

"Chase! Dahan dahan lang!" hiyaw ko. Nakakatakot kasi ang pagpapatakbo ni Chase ng motor. Napakabilis. Pakiramdam ko mahuhulog ako o matutumba anumang oras.

"George, normal lang ang patakbo ko. Relax ka lang, kasama mo ako." sigaw niya dahil hindi kami magkakarinigan kung normal lang na pananalita ang gagamitin namin dahil sa lakas ng hangin na sumasalubong sa mukha namin.

We strolled the whole Pasig City and stopped by the nearest convenience store when I said I need something to eat. We had our lunch there and after a few minutes, we strolled again.

"I want to show you something." Sabi ni Chase habang nagda-drive ng motor. Hindi na ako natakot,  sa katunayan ay nag-eenjoy pa nga ako kapag pinapabilisan ni Chase ang pagpapatakbo ng motor. Tuwang tuwa ako, sa sobrang tuwa ko ay napapatayo ako sa kinauupuan ko at sumisigaw. Dinadamdam ang hanging humahaplos sa katawan ko, para bang isa akong ibon na malayang-malaya.

Lumiko si Chase pakanan nang nakarating kami ng intersection. Maya-maya lang ay huminto kami sa isang park na puno ng ilaw at maraming tao. Bumaba ako ng motor at tinanggal ang helmet, ganoon din naman siya. Hinawakan ni Chase ang kamay ko at sabay na pumunta sa park.

Chaks and Chicks In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon