Chapter 28: PMS Effect

4.2K 48 13
                                    

GEORGINA'S POV

Imagine this, there were eight people infront of me. Not exactly eight, because there were random people passing by. I was just referring to my family, and actually they are not that infront of me like face to face. Okay, I know I suck at describing, but the point is, they were there under the heat of sun, enjoying the day. Mom and Tita Suzette were sun bathing with their one piece swim suits on. Yeah, it's not a pleasing sight though, but what the heck! The two ladies obviously loved the kiss of the sun. On the other side, there were Duke, Jacob and Tito Jonas. They were surfing, I mean the two guys were teaching the old man how to and I can honestly say that I am enjoying the sight. Tito was very eager to learn, but irritation was written all over his face. Paanong hindi maiirita eh sa tantiya ko naka-anim na beses na siya sa pagsampa sa surfboard pero palagi rin namang nahuhulog. Sa left side naman, there were Joyce and yaya. They were just sitting on the fine white sand. Nagpapahinga kasi kanina pa sila lumalangoy.

Speaking of langoy, lalo lang akong nainggit sa kanila nang napasulyap ako sa dagat. Nakakainis kasi parang nang-aakit pa ito sa tuwing humahampas ang alon sa pampang. Dagdagan pa ng kulay bughaw na tubig. Kung bakit kasi napaka-wrong timing ng period ko!

"Ugh! This is really.. This is just so.. Argh!" bulalas ko at walang choice na napatingin sa mga pagkain na nakahain sa harap ko. Maya-maya lang ay napangiti ako nang napagtanto kong hindi rin naman pala ako kaawa-awa. Tingnan mo nga naman oh, while they were having fun with the sun and the sea, I was here with all the foods in the world! Maybe, all I have to do is to see the brighter side of things.

Napasulyap ako sa pakwan na nasa kanang gawi ko. Hiniwa-hiwa na iyon ni Duke kanina para hindi daw ako mahirapan kung gusto ko mang kumain nun. Pero hindi naman ako napasulyap dun para kumain, napatingin ako dun kasi may kakaiba sa pakwan. Is it just me or the watermelon seems like smiling? Letter C na pahiga ang hiwa nun kaya parang nakangiti iyon. Kumuha ako ng isa at mariin na tinitigan iyon.

"Are you smiling because you want to cheer me up or you are smiling because I am sort of a loser right now?" I cocked my eyebrows as I examined the red grained pulp intensively.

"You know what? Huwag mo ng isipin ang tanong ko. Ang mahalaga, nakangiti ka.." Saad ko iyon makalipas ang kulang kulang dalawang minutong pagsusuri sa pakwan.

"Did you just talk to a lifeless, smiling watermelon!" bulalas ng babaeng dumating, si Joyce. Sa hiya ko ay agad kong ibinalik sa lagayan ang prutas at pagkuwa'y ngumiti sa kanya na para bang isang batang nahuling nagnakaw ng candy.

"Ka- Kanina ka pa ba?" nauutal na tanong ko sa kanya habang natatarantang naglalagay ng spaghetti sa plato at inabot iyon sa kanya.

"Kararating ko lang nang nakita kitang kinakausap ang pakwan." May halong pang-aasar ang sinabi ni Joyce kaya natawa na rin ako. Naisip ko kasi na nakakatawa nga naman ang itsura ko kanina. Mukha akong tanga na naglilitanya sa harap ng pakwan, at take note pinag-isipan ko pa talagang nakangiti sa akin iyon!

"Do I look like a random crazy girl?" natatawang tanong ko sa kanya

Chaks and Chicks In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon