Chapter 4: Party, Habits and Quirkiness

5.6K 132 105
                                    

 DUKE'S POV

"Georgina?" Nadatnan ko si Georgina na pinupunasan ang mga luha niya sa pamamagitan ng kuwelyo ng suot niyang t-shirt habang pinupulot isa-isa ang mga nasirang laruan. Naawa ako sa kanya, bukod kasi sa napakabait niya at hindi niya deserve ang umiyak, eh babae pa siya.

Lumingon siya sa akin at maya-maya lang ay nagbabanta na naman ang mga mata niyang umiyak. "You came." aniya at tumakbo palapit sa akin.

"A big fat kid destroyed my toys. I didn't do anything to him, I swear. Hindi ko alam kung bakit ganoon siya, why was he like that? I don't even know him." sabi niya sa gitna ng paghikbi.

I hugged her. Naaawa talaga ako. Kahit ang kulit kulit niya hindi siya karapat-dapat na api-apihin. Isa pa babae siya. Sa murang edad, alam ko ng masama ang manakit ng babae. Magbabayad si Wyatt.

Pinunasan ko ang mga luha niya at inagaw sa kanya ang paper bag na may laman na mga sirang laruan. Ihahatid ko na lang siya then I'll deal with Wyatt later. Wala naman akong balak na i-bully din iyon o saktan. Gagawin ko lang kung ano ang tama.

Pagkahatid ko kay Georgina ay dumiretso na ako kung saan kami magkikita ni Samuel, dala-dala ko ang paper bag ng mga nasirang laruan ni Georgina. Nalaman ko ang nangyari nang pinuntahan ako ni Sam sa palaruan. Humahangos na lumapit siya sa akin at nakita ko agad ang punit niyang kuwelyo. Sabi niya pinaiyak daw ni Wyatt si Georgina. Sa una hinayaan ko lang kasi nananalo na ako sa larong tex, pero kinain ako ng konsensiya ko. Naisip kong, sa mga oras na iyon habang ako ay masayang naglalaro, ay may isang batang babae na umiiyak.

Ang turo sa akin ni papa, huwag mananakit at magpapaiyak ng babae kaya naman kumaripas agad ako ng takbo papunta kay Georgina. At iyon nga, naabutan ko siya sa kaawa-awang sitwasyon.

* * *

Pagkarating ko sa kung saan kami magkikita ni Sam, nadatnan ko siyang nag-iipon ng mga bato sa harap ng bahay nina Wyatt. "Duke, ano na? Batuhin na ba natin ang bahay ni taba?!" aniya.

"Ssshh. Bad idea. Hindi natin pwedeng gawin iyan, mapapagalitan tayo." saway ko at isa-isang inilayo ang mga naipon niyang bato. 

"Oh, teka teka! Anong ginagawa mo?" nagtatakang tanong niya.

"Nagtatapon. Ang eng eng kasi ng naisip mo."

Napakamot siya ng ulo. "Oo nga 'no. Ang engot ko talaga, baka lumabas pa si Aling Tanya at ipahabol tayo sa mga aso nila."

"Pero teka anong gagawin natin?" dugtong na tanong niya.

Saglit ako na nag-isip. Ano nga ba ang gagawin namin para matigil na si Wyatt sa pambubully? Hmm.. Isip-isip. Aha!

"Tara Sam samahan mo ako." aya ko sa kanya at nagpatiuna ng maglakad.

"Saan tayo pupunta?" tanong niyang sumusunod sa likod ko.

Chaks and Chicks In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon