Chapter 42: Puzzled

3.1K 58 14
                                    

Hey guys! I have a facebook page you can like it if you want. :))

Facebook: https://www.facebook.com/pilosopongbashaWP

________________________________________________________

GEORGINA'S POV

Isn't it surprising? Iyong doktor na naggamot sa akin ay ang batang nam-bully sa akin years ago. Hindi ako makapaniwala. Akala ko magiging bad siya forever because he was bully way back then. Akala ko din wala na siyang ipapayat pa pero nagkamali ako.

Hindi na mataba ang cheeks niya. Hindi gaya noon na parang may sinusubo siya palagi. Saka may muscles siya ha, but I am not checking him out. Napansin ko lang nung tinanggal niya ang white suit niya bago ako i-discharge.

Oh by the way, hindi niya pala pinabayaran ang bill sa hospital. He insisted na huwag na lang daw, isipin na lang daw namin na iyon ang way niya to say sorry sa nagawa niya sa amin ni Duke nung mga bata pa kami. Tingnan mo nga naman oh, nasaniban pala siya ng angel nung napalayo siya sa kanila.

Pagkalabas namin ng hospital ay dumiretso na kami sa bahay. Since then Duke never left my side. He was always there to guard me, of course except if I have to use the bathroom. That would be really, really awkward kung hanggang doon susundan pa rin niya ako. Sinabi ko naman sa kanya na okay na ako, pero he insisted na bantayan pa rin ako. At tama nga siya kasi there were nights na nagigising ako na sumisigaw. Napapanaginipan ko kasi ang mga mukha ng muntik ng manggahasa sa akin at natro-trauma pa rin ako.

Kapag naaalala ko ang mga nangyari bigla na lang akong magbre-breakdown at iiyak dahil sa takot. Nagpapasalamat ako kay Duke saka kina mommy dahil sinuportahan nila ako. They never left my side at lagi nila akong pinapasaya para lang maibalik ang dating ako at mawala ang trauma.

And so here I am, I'm back to my old self again. Nakakapasok na ako sa school, nakakatawa na rin to my heart's content at masaya ako kasi palagi kong kasama si Duke. Pero siyempre nalulungkot din ako para sa kanya dahil sa nangyari sa kanila ni Tracy. Nakikita ko din naman sa mga mata ni Duke na nalulungkot siya. Siyempre girlfriend niya iyon at may pinagsamahan sila. Bilang bestfriend, nirerespeto ko iyon.

Speaking of Tracy, wala pa rin kaming balita kung nasaan siya. There were times naman na naaawa ako sa kanya. She let herself succumbed to the jealousy and insecurities that she felt towards me. She was a good catch naman, pero the monster inside her ate her. Poor Tracy. Kung galit na galit ako sa kanya noon, ngayon naman awang-awa ako plus the fact na nalaman kong siya pa ang breadwinner sa family nila and she has no mother to comfort her. 

"Doon tayo miss.." narinig kong sabi ni Chase matapos buksan ang pinto ng diner. Itinuro niya ang bakanteng mesa na malapit sa bintana. Vacant time namin ngayon at sakto din namang walang pasok si Chase kaya nagsabay na kami. We will just grab a quick snack kasi one hour lang ang vacant time ko. 

"Ano order mo?" Pinagsalikop niya ang dalawang kamay na nakapatong sa mesa at hinintay ang order ko.

"Hmmm.." I mummed while scanning the menu list that I am holding. "Siguro mag-clubhouse sandwich na lang ako and red tea."

Chaks and Chicks In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon