Epilogue

2.6K 59 31
                                    

A/N: Maraming maraming salamat sa pagbabasa ng story na 'to. Kung alam niyo lang kung gaano ako kasaya na sa wakas magkakaroon na ako ng completed story. Aside from that masayang masaya rin ako para kay Georgina. Kahit fictional character lang siya sobra akong na-attach sa kanya at sigurado akong mamimiss ko siya... Hayst. Mixed emotions ang nararamdaman ko, parang ayaw ko pang matapos pero ganoon talaga kailangan ng magpaalam nina Chaks at Chicks sa atin. Let's just wish them a happy marriage life and may they have a lot of kids. Hahaha! *teary eye*

By the way, may lalabas na dalawang characters dito. Sila yung susunod na magkakaroon ng love story. Sana mabasa niyo din. :)

____________________________

One year later..

"Knock knock!" 

"Mommy.." nakangiting sagot ko kay mommy nang nakita ko siya sa bungad ng pinto. Lumapit siya sa akin at niyakap ako nang mahigpit. Nang kumalas si mommy ay hindi nakawala sa paningin ko ang pangingislap ng kanyang mga mata, "Aww mom, don't cry. Naiiyak din ako eh."

Pinunasan ni mommy ang luha niya at muli akong tiningnan. Sinapo niya ang nakapusod kong buhok at pagkatapos ay pinisil ang magkabilang braso ko, "You're all grown up. Parang kailan lang karga karga pa kita, tapos ngayon.." she trailed off and teared up. 

I hugged her to comfort her. Today is my wedding day. After how many years of secretly loving my bestfriend, sa kanya din pala ako mapupunta. Alam mo iyon? Napakamapagbiro talaga ng tadhana. Ang dami pa naming pinagdaanan para lang maramdaman na kami ang para sa isa't isa.

"I want you to have this." May inabot na necklace si mommy sa akin. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanya at sa necklace na hawak ko kasi nagtataka ako kung bakit binigay niya sa akin iyon.

That necklace holds a very sentimental value to her. I remember when I was just a little girl, I used to go to their room and tried her stuffs including jewelry. She got mad at me when she saw me wearing this same necklace that I am holding. It wasn't that much special kasi hindi naman iyon diamond or ruby something like that. Nothing special about the necklace compared sa ibang jewelry niya kaya I don't get it kung bakit siya nagalit.

"Why are you giving me this?" bilang sagot, kinuha ni mommy sa kamay ko ang necklace at pinatalikod ako. Isinuot niya sa akin ang necklace na iyon. Nang maikabit ang hook ay marahan niya akong tiningnan ng may pagmamalaki.

"Bagay sayo. I should have given you this necklace a long time ago."

Hinawakan ko ang heart shape pendant at ngumiti. "Thank you mom." I hugged her again.

Kumalas siya sa pagkakayakap at muli akong pinasadahan ng tingin. "If your daddy is here, I'm sure he'll break into tears." then she laughed until her eyes glistened, "Your daddy gave it to me. I want you to have it, para kahit wala siya sa araw na ito, para na rin natin siyang kasama ngayon."

"Aww, mommy you're making me cry. Masisira ang mascara ko." sabi ko habang pinipigilan ang sarili na huwag maluha. 

"Come here, my sweet little Georgina." she hugged me.

"George-ous!" sa boses pa lang alam ko na kung sino ang bagong dating, ang Maid Of Honor ko na si Joyce, "Good morning tita!" bati niya kay mommy.

"I'll go downstairs na anak. Joyce, ikaw na bahala sa anak ko ha." tumingin si mommy sa make-up artist at sa iba pang staffs na nasa loob ng kwarto. She was giving them a let's-go-out look.

Chaks and Chicks In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon