Chapter 23: Excited

4.5K 78 55
                                    

A/N: Guys, hihingi ako sa inyo ng pabor. Pwede niyo bang iboto ang tula/mascot entry ng Team Calamansi? Click the external link para makaboto kayo. Please, please. Kapag i-boto niyo palalagyan ko ng Wi-Fi ang buong barangay niyo para hindi na kayo pupunta pa sa computer shop para mabasa ang story ko. XD

By the way ako gumawa ng tula, libre lait. Haha! Boto niyo ha? Bigyan ko kayo ng Calamansi shake kapag maiboto niyo. Hihihi! I love you osom people! Mwah! Mwah!

__________________________________________________

GEORGINA'S POV

"What do you think? Dress or t-shirt?" Tanong ko kay Joyce habang nakatayo sa harap niya hawak-hawak ang dalawang hanger na may nakasabit na knee length long sleeves fitted cream dress at round neck purple t-shirt with 'I love Justin Bieber' print on it

"Hmm.." She twiched her lower lip as if she was thinking very hard, "I think the dress looks good on you." Aniya at ibinalik na muli ang atensiyon sa cellphone niya. Andito kami ngayon sa kwarto ko kasama si yaya para tulungan akong maghanda para sa concert mamaya. 

Yes, Justin Bieber is coming! Finally after million years of waiting, the Philippine Government decided to let Bieber do the concert. Nagkaroon kasi dati ng war issue si Justin kay Manny Pacquiao, so iyon he was banned from entering the country. Mind you, I felt like dying when Duke told me about this and since then, I hated the Philippine Government! Nasaan ang hustisya? Wala di ba!

"Bibi, mas maganda ang Bebir na T-shert kasi sempli ka dun." sabat ni yaya na siyang ikinalingon ni Joyce sa kanya.

Umangat ang kaliwang kilay ni Joyce sa kanya at namewang, "Really, yaya? Really?"

Natawa naman ako sa reaction ni Joyce. Tumalikod ako sa kanila para humarap sa vanity mirror at itinapat sa katawan ko ang cream colored dress. Well actually, maganda ito kaya lang hindi kaya sobra naman? Baka naman isipin ni Duke pinaghandaan ko talaga ang pagkikita namin ulit. Matapos kung itapat ang bestida ay inilapag ko ito sa kama at ang t-shirt naman ang itinapat ko sa katawan. Maganda naman kasi simple lang, kaya lang I look.. jologs?

"Dress o t-shirt? Dress? T-shirt?" Nalilitong sabi ko habang kausap sarili ko sa tapat ng salamin. Hindi ko alam kung ano ang susuotin ko. I really need Duke in this kind of situation! Kapag nalilito kasi ako or kapag inaatake ako ng pagiging fickle minded ko, siya iyong may kakayahan para maging constant ako. I don't know how he does it, pero believe me meron siyang ganoong super power, "Gaaaaaaaa! Ano ba talaga?!"

"Tawagan mo na kasi si Dok." Sabat ni yaya. Lumingon ako sa kanya na nakaupo sa paanan ng kama habang nakatapat ang mukha sa cellphone, "Pisti! Naholog na naman si Plapi Berd!"

Muntik na akong mapabunghalit ng tawa sa narinig. Naka-get over na pala siya sa Candy Crush at si Flappy Bird na naman ang pinagkakaabalahan niya. Lumapit ako sa kanya at sinilip ang cellphone niya, "Ilan ang highscore mo yaya?"

"Forty pa lang bi." Sagot niya na hindi iniaalis ang atensiyon sa cellphone. Adik talaga si yaya diyan, no wonder pati si mommy at daddy nakiki-flappy bird na rin ng dahil sa kanya.

"Really? Thank you kuya! Paalis na ako. Bye!" Boses ni Joyce ang nagpalingon sa akin sa terrace. Nandoon pala siya at parang katatapos lang ng usapan nila ng nasa kabilang linya. Ibinulsa niya ang cellphone niya at nagsimulang maglakad papalapit sa amin ni yaya.

"I gotta go! My Ruffles is waiting for me at home!" Aniyang dire-diretso sa kama upang kunin ang bag na nakapatong doon. Hinalikan niya ako sa pisngi at tuluyan na ngang umalis. Iba talaga kapag adik sa Ruffles, nasusuhulang umuwi.

Chaks and Chicks In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon