Chapter 25: The Funeral

4.4K 65 34
                                    

YOUNG GEORGINA'S POV

"Oh ayan na anak. Tapos na." Mababakas sa tinig ni daddy ang pagiging proud habang hinihigpitan ang tali sa buhok ko. Excited na tumakbo ako sa salamin para makita ang ginawa niya ngunit laking pagkadismaya ko nang nakita ko kung gaano kagulo ang pagka-ponytail niya. Mahigpit ang pagkakatali niya ngunit may mga tikwas ng mga maliliit na hibla ng buhok na halatang-halata kahit tingnan pa ito sa kalayuan.

Lumingon ako sa kanya at ngumuso, "Daddy, hindi naman ganito ang pagkakaayos ni mommy eh. Can you do it again? Please..." I said infront of him and flashed a sweet smile. He brushed his hair and tied my hair again. 

Matapos ang ilang minutong pakikipagbuno ni daddy sa buhok ay natapos din siya. Bumalik ako sa salamin para makita ang ayos ko. Nagulat ako sa repleksiyon ko sa salamin. Napatikom ako ng bibig at nanlaki ang mga mata dahil sa reflection ko. Matagal kong tinitigan ang reflection ko sa salamin at unti-unting namutawi ang mga ngiti sa mga labi ko hanggang sa ang mga ngiting iyon ay napalitan ng malulutong na tawa.

"Hey, anong nakakatawa? Pinagtatawanan mo na naman ako, princess." Saad ni daddy na may halong pagtatampo ang tono. Lumapit ako sa kanya na tumatawa at inaya siya sa harap ng salamin.

Nang nakaharap na kami sa vanity mirror ni mommy ay itinuro ko ang repleksiyon ko. "Look daddy. That girl looks like a little witch! Hihihihihihihihi!" I said while mimicking a witch's laugh.

Natawa na rin si daddy sa panggagaya ko sa witch. Maya-maya lang ay lumuhod siya sa harapan ko at hinawakan ako sa magkabilang braso. Marahan din niya akong kinurot sa kaliwang pisngi at hinalikan sa noo, "You are probably the cutest witch in the world!"

Napangiti ako sa narinig. I am the cutest witch in the world! Isn't it amazing? I am a witch, yet the cutest among all the witches in the world! Don't get me wrong. I also want to be a princess, well I'm a real princess. I'm Duke's princess and my parents are the king and queen of our own realm but.. but.. But I also want to become a witch! The cutest witch in the world to be specific, like Hermione and Sabrina and--- Dad?

Where's my dad? 

"Daddy? Dad, where are you? Daddy? Daddy?"

"Daddy!"

***

GEORGINA'S POV

"Daddy!" 

Napabalikwas ako ng bangon. Panaginip lang pala iyon.  Lubos akong natutuwa na nakita ko siya kahit sa panaginip lang. Para bang bumalik ako sa mga panahong wala pa akong alam sa mundo. Bumalik ako sa mga panahong si daddy lang ang espesyal sa buhay ko. Mga panahong nabubuhay pa ako sa imahinasyon kong isa akong prinsesa at siya naman ang aking hari. Mga panahong siya ang nagsilbing ina para sa akin sa tuwing wala si mommy at yaya.

Naalala ko nung bata pa ako kung gaano niya sinubukang matutunan ang pagtirintas ng buhok ko kasi iyon ang gusto kong style ng buhok. Nagpaturo pa siya kay mommy at nanood ng mga tutorials sa Youtube para matutunan iyon. Tuwing Sunday naman, kapag kami lang dalawa ang naiiwan sa bahay ay ginagawa niya ang best niya para magawan lang ako ng paborito kong pancakes. Nakakatawa nga eh, deformed at nagkapira-piraso ang mga pancakes na iyon, pero para sa akin iyon na ata ang pinakamasarap na pancakes na natikman ko.

Chaks and Chicks In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon