Chapter 45: Cat and Mouse

2.9K 68 28
                                    

DUKE'S POV

"Dahil akin ka lang.."

Umawang ang bibig ni George sa sinabi ko. Maski ako hindi ko rin alam kung paano ko nasabi ang mga katagang iyon. Basta na lang lumabas sa bibig ko iyon. Hindi ko kasi kayang isipin na may iba ng lalakeng magpapasaya sa kanya. Gusto ko ako lang, ako pa rin.

Biglang naningkit ang mga mata niya at tinulak ako. "Ano?!"

Tae! Ayoko ng ulitin ang sinabi ko. Hindi ba niya narinig? Nahihiya na akong ulitin iyon dahil bigla lang lumabas sa bibig ko iyon. Isinuklay ko ang kamay ko sa basang buhok sa tindi ng tensiyon na nararamdaman.

                                                      

Pinagkrus niya ang dalawang braso at mataman akong tinitigan. "Pakiulit nga sinabi mo."  

"George naman eh! Pinapahirapan mo pa lalo." Naibulsa ko ang kamay ko habang ang isa naman ay napahawak sa batok. Tae ang lakas talaga ng kabog ng dibdib ko. Mas naririnig ko pa ata ang tibok ng puso ko kaysa sa buhos ng ulan.

"Kung ayaw mo aalis na lang ako." Tinalikuran niya ako ngunit ginagap ko agad ang kamay niya at hinigit palapit sa akin.

Yinakap ko siya ng mahigpit. Inihilig ko ang ulo niya sa dibdib ko. Nanatili lang siyang nakatulos sa kinatatayuan pero hindi niya ako niyakap. Hindi niya rin ako tinulak. Parang nagpatianod lang siya sa nangyayari. 

May mga sasakyang dahan-dahang umaandar kapag napapadaan banda sa kinatatayuan namin. Sa totoo lang maraming tao na ang nakikiusyuso pero wala akong pakialam. Parang nag-slow motion ang pangyayari. Pakiramdam ko dahan-dahang pumapatak ang ulan, dahan-dahan ang pagdaan ng mga tao at tanging tibok ng puso lang namin ang naririnig ko.

Ito na ang tamang panahon para sabihin kay George na mahal ko siya at ayaw ko siyang mawala.

"Let me go, Duke." Kumislot si George at nagpumilit na kumawala kaya hinigpitan ko pa lalo ang yakap sa kanya.

Ayoko siyang mawala. Gusto ko dito lang siya sa mga braso ko, yakap-yakap siya. Alam kong wala akong karapatan dahil pag-aari na siya ng iba pero sa gabing ito, kahit sa huling pagkakataon, gusto kong ako lang ang isipin niya.

Kumislot muli si George. "Duke, ano ba!" galit niyang sabi at malakas akong tinulak.

Linapitan ko siya pero umatras siya kaya naihilamos ko ang sariling kamay sa mukha at tumingala sa langit upang damhin ang patak ng ulan. Tae! Nasasaktan ako sa tuwing sumasagi sa isip ko ang nakita ko kanina. Muli ko siyang nilingon. "Bakit hindi mo ako hinintay? Akala ko ba George, mahal mo ako? Bakit si Chase pa?"

"What?!" bulalas niya. 

"Georgina, mahal kita! Tangna mahal pala kita!" pagsusumigaw ko.

Gusto kong ipagsigawan sa harap ng maraming tao na mahal ko si George, ang bestfriend kong laging nasa tabi ko. Ang bestfriend kong nasa harapan ko lang pala pero hindi ko makita kita.

"I.." Napaawang ang bibig ni George sa narinig pero iyan lang ang namutawi sa bibig niya at bumuga ng malalim na buntong hininga.

Ipinasok ko ulit ang mga kamay sa bulsa bago nagsalita. "George, narinig mo ba ako? Ano? Wala ka man lang sasabihin?" 

Nangangatog na ako hindi dahil sa lamig kundi dahil sa sasabihin ni Georgina. Iyang hindi niya pagsasalita nakakadagdag sa kaba na nararamdaman ko. 

Chaks and Chicks In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon