Chapter 35: Cold War 3

3.8K 69 30
                                    

Chapter 35

GEORGINA’S POV

Last night was a roller coaster of emotion. For the second time, umasa na naman ako kay Duke. Akala ko pa naman talaga na kaya siya nakipagkita sa akin dahil gusto niya akong makausap tungkol sa strained friendship namin. I thought he finally realized my worth, akala ko lang pala. Kaya lang pala siya nakipagkita sa akin dahil sa pakiusap ng mommy ko.

I confronted mom about this. She just wanted to help me, and I totally understand it. Hindi niya alam ang pinagdadaanan ko kaya nung nalaman niya, she made a move. Alam kong dapat magalit ako sa panghihimasok ni mommy, pero hindi. Wala akong nakapang galit kay mommy, bagkus umiyak pa ako nang niyakap niya ako. Sabi niya, kung masakit na masakit na talaga, hindi na niya ipagpipilitan si Duke sa akin.

Kaya heto ako ngayon, I found myself standing behind the dance studio door where Duke is inside practicing with his crew. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago kumatok at pinihit ang door knob. Iniawang ko ang pinto at sumilip sa loob to look for Duke.

“Uy si Georgina nandito!” magiliw na saad ni Kraymer, ka-grupo niya, nang pinagbuksan ako ng pinto. Bumaling sa akin ang paningin ng mga nasa loob habang nilalawakan ni Kraymer ang pagbukas ng pinto upang makapasok ako.

“Salamat.” Ngumiti ako ng tipid nang makapasok.

Nakatayo lang ako sa likod ng pinto at hinintay si Duke na lumapit. Pinunasan niya muna ang pawis niya gamit ang face towel bago lumapit sa akin. Hindi ko maiwasang hindi pagmasdan ang mukha niya habang papalapit sa akin. Kung dati may ngiti sa kanyang mga labi kapag sasalubungin niya ako, ngayon naman isang malamig na tingin ang pinupukol niya sa akin. Cold and piercing, no smiles anymore. Alam ko naman na dapat na akong masanay sa ganitong pakikitungo niya sa akin, pero hindi ko pa rin maiwasan ang hindi mamiss ang mga bagay na iyon. Hindi biro ang fourteen years at hindi iyon mapapalitan ng ilang buwang pinagsamahan nila ni Tracy.

“Anong ginagawa mo dito?” malamig niyang tanong sa akin nang magkaharap kami. Nagmukha tuloy akong Smurf sa sobrang tangkad at lapit niya sa akin. 5’3” lang naman po kasi ang height ko. Mas lalo tuloy akong kinabahan.

Sinalubong ko ang mga tingin niya at pasimpleng lumunok ng laway. Not because I am drooling, but because I am scared of the giant infront of me. Dagdagan pa ang cold stares niya sa akin. Ay Diyos ko po magpapa-devour na lang ako sa lupa.

I composed myself and gave him a cold gaze too. “Dalawang bagay lang ang ipinunta ko dito. Una, gusto kong magpasalamat sa pagiging polite mo kay mommy. Pinagbigyan mo siya sa pakiusap niya kahit hindi mo naman kailangang gawin iyon. Pangalawa, nagpunta ako dito para sabihin na hindi ko kailangan ang tulong mo para sa talent portion ko.”

This is Cold War 3 baby! But honestly, sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang sinasabi ko ang mga katagang iyon. Akala ko mauutal ako, mabuti na lang hindi. Salamat talaga sa guardian angel ko, kung hindi mapapahiya ako sa harapan ni Duke at sa mga matang nakatingin sa amin na waring may pinapanood na teleserye sa TV. Geez.

He shrugged his shoulder and said okay. As usual, he was still cold as ice. Nakakainis siya, hindi iyan ang gusto kong marinig mula sa kanya. Sa hinaba-haba ng sinabi ko ‘okay’ lang ang sinagot niya. Nasaan ang hustisya doon? At bakit siya pa ang may ganang maging cold eh ako nga ang sinaktan niya eh. Ako nga itong pinagmukha niyang tanga at pinaasa. Hindi ba dapat na ako ang mas may karapatang mag-suplada? Pero bakit baliktad ang nangyayari? Ako itong apektadong apektado tapos siya cool lang. And when I say cool, it’s both literally and figuratively.

Chaks and Chicks In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon