Chapter 37: Love Is Never Selfish

3.6K 68 24
                                    

DUKE'S POV

"Happy Birthday, George." bulong ko sa aking sarili habang nakatanaw lang kay Georgina na kinakarga ang kunehong regalo ko sa kanya. Iyon ang pinareserba ko sa pet shop nung minsang pumunta kami sa Cartimar ni Tracy. Mabuti nga at nandoon pa iyon at naibigay ko pa kay Georgina.

Sa totoo lang, kanina ko pa siya gustong batiin kahit na sa text lang. She was my bestfriend for Pete's sake! I wouldn't miss her birthday for the world. Pero dinaga ako kanina dahil nga sa hindi naming pagkakaintindihan. I feel like our friendship is already broken, too broken to fix. Kaya naisip kong makuntento na lang na makita siya sa malayo. Kung dati rati ako ang laging unang tao na bumabati sa kanya. I used to greet her when the clock strikes 12, pero ngayon iba na. There was a silence between us that I don't think I can break kaya umakyat na lang ako sa terrace niya, katulad ng nakasanayan ko, at inilapag doon ang rabbit. I know she would like it at hindi ako nagkamali ng hinala. Georgina is a sucker for cute things.

Sa totoo lang, I was sorry for threatening her the other day. Nung nalaman ko kasi kung ano ang totoong nangyari kina Tracy at George, I felt like I was such a jerk. Hindi ko man lang tinanong si Georgina kung ano ang nangyari at hindi ko man lang naisip kung ano ang mga bagay na hindi niya kayang gawin. I’ve known her for fourteen freakin years yet I overlooked the things that she's capable and not capable of. Ang laki kong tanga dahil nagpadala ako sa emosyon ko nung araw na iyon. Nainis lang ako kasi sinaktan niya si Tracy. Wala akong ibang inisip nung araw na iyon kundi ang pagseselos at pagkainggit ni Georgina kay Tracy dahil hindi na lingid sa akin ang nararamdaman niya para sa akin.

Kinausap ko na si Tracy tungkol dito. Humingi naman siya ng tawad sa akin sa nagawa niya kay Georgina at sa pagsisinungaling niya. Pinatawad ko na siya dahil naiintindihan ko naman kung saan nanggaling iyon. Walang kasalanan si Tracy dahil kung sino man ang gago dito, ako iyon. Ako ang may kasalanan kung bakit nasaktan nila ang isa't isa. Galit na galit ako sa sarili ko dahil wala man lang akong nagawa upang protektahan ang dalawang babaeng mahalaga sa akin. They were fighting over me, but I couldn't do anything.

Nagpakalunod ako sa alak nung nalaman ko ang totoong nangyari. Doon ko ibinuhos ang galit ko sa sarili ko. Gustong gusto kong puntahan si Georgina nun para mag-sorry. Gusto kong malaman niya na alam ko na ang totoo at nagsisisi ako sa mga sinabi ko. Gusto kong bumawi kaya lang kapag sinusubukan kong lumapit sa kanya hindi ko maiwasang maisip ang mga sinabi ni Chase sa akin. Nakuyom ko ang kamao ko nung naalala ko ang araw na iyon. Natamaan ang ego ko sa mga sinabi ni Chase. Para bang sinasabi niya na siya lang ang may kakayahang protektahan si Georgina at gusto kong nasasaktan ang bestfriend ko. Wala namang may gustong mangyari ito eh. Kung pwede ko lang ibalik ang nakaraan, gagawin ko ng maitama ko ang mga mali ko at ng hindi na masaktan muli si Georgina.

"Goodnight, Chicks.." mahinang saad ko at lumayo na sa bintana upang magtungo sa kama at matulog na. Hindi ko man siya nabati ngayon, alam ko naman na napangiti ko siya dahil sa regalo ko. Akmang ipipikit ko na ang mga mata ko nang bigla namang tumunog ang cellphone ko, "Sino kaya 'to?"

Kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong lang sa bedside table at tiningnan ang screen. Number lang ang tumatawag, hindi nakaregister sa Contacts ko ang number. I don't usually answer unknown callers, pero may kung anong bagay ang nag-uudyok sa akin na sagutin ang tawag.

"Hello?"

Chaks and Chicks In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon