Chapter 39: Tug Of War

3.4K 53 15
                                    

(A/N: Sweetpeas, pag may mabasa kayong 'play the multimedia' huwag niyong ipliplay ha? HAHAHA!)

______________________________________

GEORGINA'S POV

Hindi magkamayaw ang mga kasama ko sa dressing room dahil ilang minuto na lang magsisimula na ang pageant. Kanya-kanyang make-up at bihis na, samantalang iyong iba naman ay nagpra-practice pa ng steps para sa opening number. And you know what am I doing right now? I'm here sitting in front of a vanity mirror and looking at my own reflection.

I was practicing that beauty queen smile that they are telling me. Sumasakit na nga ang panga ko dahil ang sabi dapat wide smile daw dapat at expose ang teeth. Hinawakan ko ang panga kong nangangawit para suportahan ito. Sobrang mahirap pala ang ginagawa ng mga beauty queens. They have to be beautiful all the time, smile like this, dapat straight body pa, saka may confidence kapag naglalakad. Whew! Hindi ko kaya ang buhay nila. Ako pa naman kapag pagod kung saan-saan na lang sumasalampak. Titiisin ko na lang 'to, ngayon lang naman ito eh. Pagkatapos ng gabing ito tapos na ang paghihirap ko. I can do this, fighting! 

"Having cold feet?" Nakita ko sa reflection si Tracy. Pumarito siya para guluhin na naman ako. Pinagmasdan ko ang reflection niya. Naglalagay siya ng lipstick sa mga labi niya. She pressed her lips and pouted those. I rolled my eyes in response and twitched my lips. I don't need to pout mine, they're perfect!

Humarap siya sa akin at ngumiti, exposing her deep dimples. "I heard that you are going to dance? Kumusta naman ang mga paa mo? Kaliwa pa rin ba?"

That was not very nice. Inikot ko ang upuan paharap sa kanya and crossed my arms. "Why do you care? Oh!" I exclaimed sarcastically. "Boyfriend mo pala ang choreographer ko. I see." I nodded three times.

Tumiim bagang si Tracy but she was still keeping her composure. "You see what?"

I gave her a side smirk before answering. "Alam ko kung saan nanggagaling ang bitterness mo. Do you still really think na aagawin ko sayo si Duke? Girl, hindi ko na kailangang gawin iyon kasi from the start akin naman talaga siya. Hindi ko na kailangang magpanggap na gusto ko ng kalachuchi, hindi ko na kailangang ipangalandakan sa kanya na marunong akong magluto ng ginataang baka at lalong hindi ko kailangang magbait-baitan sa harap niya para lang mahalin ako." Tumayo ako nang sa ganoon ay magkapantay kami. Hinarap ko siya with my chin up and with a genuine smile. 

"Hindi mo ba napapansin, Tracy? Siya ang laging unang lumalapit sa akin. Yeah, I was just his bestfriend pero he can't get enough of me. Pinapalayo mo siya sa akin at iniiwasan ko siya, pero lapit pa rin siya ng lapit. That's how much control I have over him at kailanman hindi mo mapapantayan iyon. You’re just his goody goody girlfriend while I'm his other half. Whether you like it or not, you can't be me. Accept that." Pagkatapos kong sabihin iyon binigyan ko pa siya ng matamis na ngiti.

I feel like I'm the bad guy in my own story and I feel a twinge of guilt after everything that I’ve said to her. Nakita ko kasing lumabas ang mga ugat niya sa leeg at namuo ang mga luha sa mata. She was obviously holding her tears back. Geez, I hate looking at her like this. Nakonsensiya ako sa sinabi ko. Lumambot ang expression ng mukha ko at magso-sorry na sana sa kanya nang biglang siyang tumawa.

Chaks and Chicks In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon