Chapter 8: Sorry

5.2K 118 76
                                    

(A/N: Ako lang ba o sadyang nakakakilig talaga ang video sa multimedia? Ayiiee! Iyan ang dahilan kung bakit na-inspired ako magsulat tungkol sa kanila.)

____________________________________

GEORGINA'S POV

"Oh paano mauna na ako sayo sa theater room ha?" paalam ni Joyce sa akin nang matapos ang klase namin. Nagbeso muna kami bago siya umalis.

Kanina ko pa tinetext si Duke pero hindi siya nagre-reply. Akala ko pa man din susunduin niya ako. Hayst! He forgot na naman. Kainis.

Binaybay ko ang pasilyo papunta sa Architecture Building. Four story ang Architecture Building at nasa third floor naman ang room ni Duke. Kinuha ko ang copy ng schedule niya para tingnan kung anong room number ang first period niya bakasakaling tumatambay pa siya sa room pagkatapos ng klase. 

"Hmm.. Room 101." bulong ko sa sarili ko bago umakyat ng hagdan. Sira kasi ang elevator. "Hayst, when are they going to fix it?" I murmured to myself.

"Hi Georgina.." Bati sa akin ng isang grupo ng mga lalake na nadaanan kong nakatambay sa may terrace. Nginitian ko lang sila, to tell you honestly I do not know them.

"Good morning George.." Bati sa akin ng isang lalaking naka-close neck white polo, bitin na slacks at naka-round glasses na may dala-dalang libro.

"Good morning din." sagot ko naman sa kanya. 

Marami pa silang bumati sa akin na hindi ko mga kilala bago ako nakarating sa room ni Duke. Nadismaya ako nang nakita kong walang tao. Hmm. Where is that friggin bestfriend of mine? Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at pinindot ang number 1, naka-speed dial si Duke dun. Ring lang nang ring, wala namang sumasagot. Flinood ko inbox niya pero wala pa ring reply.

"Ugh! Male-late na ako sa audition!" naiinis kong sambit. Saglit akong nagpabalik-balik sa paglalakad sa labas ng room nang bigla kong naisip kong saan posibleng nandoon ang hinayupak kong bestfriend.

Ayun! Alam ko na kung nasaan siya. Lagot siya sa akin. Tinakbo ko ang pasilyong pababa sa ground floor ng building. Hindi ko na pinansin ang mga istudyanteng tumatawag sa akin. I need to hurry up!

Hinihingal na narating ko ang lobby kung saan naroon ang dance studio. Sumandal muna ako sa pader nang narating ko ang studio dahil sa sobrang pagod ko, sakto namang bumukas ang pinto at iniluwa doon si Jacob at kasunod si Duke.

"Hi Georgina.." Bati ni Jacob sa akin nang makita ako. Binigyan ko lang siya ng isang tipid na ngiti.

"Paano dude? Pag-isipan mo na lang sinabi ko ah. Sige bye!" dugtong nito bago umalis.

Nagtataka ang mukha ni Duke habang hinahatid ng tingin si Jacob, maya-maya lang ay humarap siya sa akin. Anong klaseng facial expression iyan? Parang matatawa. Kainis naman ang lalakeng 'to!

"Anong petsa na, Duke?" malamig kong tanong sa kanya.

Chaks and Chicks In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon