Chapter 41: The Rescue

2.4K 52 34
                                    

DUKE'S POV

Halos bente kuwatro oras ng nawawala si Georgina at hanggang ngayon wala pa ring nakakaalam kung nasaan siya. Halos mabaliw na ako sa kakaisip kung sino ang may pakana sa pangingidnap sa kanya. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may mangyaring masama sa kanya, at lalong hindi ako papayag na hindi magbayad ang mga kidnappers niya. Nakuyom ko ang kamao ko sa sobrang galit. Kung kailan wala kami ni Chase para maprotektahan siya, saka naman ito nangyari. Nakakaloko lang, parang sinadya ng kidnappers na itaon ang pandudukot nung wala kami.

Tiningnan ko si tita na mahimbing na natutulog. Kani-kanina lang bigla itong natumba dahil tumaas na naman ang blood pressure nito. Mabuti na lang at malapit lang ang bahay ng family doctor nila kaya nagamot agad si tita. Ang sabi ng doctor, iwasan daw na pag-alalahanin ito.

Hindi na tumigil sa kakaiyak si tita simula kagabi kaya tumaas ang dugo nito. Ni hindi nga siya natulog dahil nagpumilit pa na halughugin ang buong eskwelahan. Hindi ko rin masisisi si tita kung bakit ganoon na lang siya kung mag-alala kay Georgina, anak niya iyon. Nag-iisang anak at kakamatay lang ng asawa.

"Diyos ko, Duke. Ano ba nangyayari sa pamilya natin?" nag-aalala na rin si mama habang nakaupo sa tabi ni tita. Pamilya na ang turing ni mama sa mga Aquino dahil sa tight bond na meron kami.

"Ewan ko, ma." nalilitong sagot ko sa kanya habang nakayuko at pinagsalikop ang dalawang kamay sa ulo. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa kakaisip. Ang bagal kumilos ng mga pulis. Kung pwede lang na ako na mismo ang mag-imbestiga. "Sandali lang ma, lalabas lang ako. Tatanungin ko lang ang mga pulis kung may hint na sila kung nasaan si George." Sinagot lang ako ng tango ni mama at lumabas na ng kwarto.

Naabutan ko sa sala ang mga pulis na naghihintay ng tawag mula sa kidnappers bakasakaling manghingi ng ransom. Maya-maya lang ay may lumapit sa akin na pulis at ibinalita na nakuha na nila ang kopya ng CCTV. Namuo ang pag-asa sa puso ko na mahahanap na namin si George kaya excited kong isinalpak ang flashdrive sa laptop at pinindot ang 'play' para mapanood ang video.

Kitang-kita ko kung paano hinablot ng lalake si Georgina at kung paano siya nito pinatulog sa pamamagitan ng panyong hawak nito. Hindi ko naiwasang hindi magmura at mapasuntok sa arm rest na kinauupuan ko. Damn! Nagtatagis ang bagang ko sa sobrang galit. Pinindot ng officer ang pause at zinoom in ang video upang makita ng malapitan ang itsura ng dumukot kay Georgina. Sa hilatsa pa lang ng mukha nito ay alam mo na agad na hindi ito makakagawa ng mabuti.

Kinausap ako ni Inspector Gonzales na huwag na daw mag-alala dahil pinasketch na niya ang lalake sa video at pinalaganap na niya sa mga media ang sketch. 

Habang nag-uusap kami ni Inspector Gonzales ay tumunog ang cellphone niya. May kinausap siya saglit at nang natapos ang tawag ay tumingin siya sa akin. "Na-trace na kung nasaan ang cellphone ni Miss Aquino."

Nakahinga ako ng maluwag sa narinig. Pinatrace niya ang cellphone ni Georgina gamit ang GPS tracker at napag-alaman nga na nasa Q.C. area iyon. Hindi man nakuha kung saang banda ang kinalulugukan ni Georgina, at least we have a lead.

Nagpautos na rin ang inspector sa isang tao niya na maghanap ng bakanteng warehouses sa Q.C. baka sakaling doon tinago ng mga kidnappers si George. Luckily they found 3 abandoned warehouses and 2 buildings. Suntok sa buwan ang gagawin naming paghahanap sa kinalulugukan ng mga kidnappers pero kailangan naming sumugal. Oo, sasama ako sa rescue dahil hindi pwedeng tumunganga lang ako dito at maghintay.

"Duke, kumusta? may balita na ba kung nasaan si George? Si tita kumusta?" Bungad ng bagong dating na si Joyce. Nagpaalam ako sa inspector at hinarap si Joyce. 

Chaks and Chicks In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon