Chapter 34: Unleashing Terpsichore

4K 57 23
                                    

A/N: When you read the 'play the multimedia' author's note, don't play it, okay? Haha! De joke, basta sundin niyo na lang ang A/N. Ciao!

______________________________

DUKE'S POV

We need to talk.

***Sent***

Ipinatong ko ang cellphone sa mesa matapos mai-send ang message kay George. Mataman ko iyong tiningnan habang sumisipsip ng frappuccino. Napahigpit ang hawak ko sa Starbucks plastic cup dahil sa tensiyon na nararamdaman ko. Hindi ko akalain na magpaparamdam ako sa kanya makalipas ang halos dalawang linggong pagtatagu-taguan namin.

Tagu-taguan ng feelings?  Ano ba 'tong pinag-iisip ko?Nakakaloko naman kasi itong pinaggagagawa namin. Para lang kaming mga tanga. Parang walang pinagsamahan.

Pero hindi ko siya tinext para ayusin ang anumang namagitan sa amin. Wala akong balak na sirain ang trip niya. Kagustuhan niya iyon eh, kaya irerespeto ko siya. Tinext ko siya dahil may ipinakiusap sa akin si Tita Eliza kagabi.

Nagtaka ako kagabi nang kinatok ako ni mama sa kwarto na may bisita daw ako na naghihintay sa baba. Wala naman kasi akong inaasahan na pupunta. Imposible namang si Tracy dahil kahahatid ko lang sa kanya bago ako umuwi. Hindi rin naman si Jacob dahil umalis ito papuntang Laguna para sa kanilang family reunion.

Ang pagtatakang iyon ay napalitan ng pagkagulat nang nalaman ko kung sino ang naghihintay sa akin sa sala. Nakaupo doon ang sopistikadang ginang, si Tita Eliza. Kasama niya si Yaya Marie na ngumiti lang ng tipid nang nakita ako. Siguro dahil sa naiilang siya sa akin dahil nasaktan ko ang alaga niya. Nag-iba na rin kasi ang pakikitungo niya sa akin magmula nang umalis kami sa resort. Siyempre, kanino pa ba siya kakampi? Eh di si alaga niya.

Alam nani Tita Eliza ang nangyari sa amin ni George. Nanghinayang siya at kinausap niya ako kung pwede ko daw bang ayusin ang nalamatan naming pagkakaibigan. Gustuhin ko man, hindi ko rin ito maaaring gawin dahil nirerespeto ko ang kagustuhan ni George. Minsan na nga lang ito humiling kaya hindi ko iyon pwedeng ipagkait sa kanya.

Tinanggap naman ni tita ang desisyon kong pagtanggi sa pakiusap niya, ngunit bago siya umalis, kinausap niya ako ng sarilinan. Nagmakaawa siya sa akin na tulungan si Georgina sa talent portion niya para sa Ms. SFAU. Nababahala kasi siya na baka mapahiya lang ito at pagtawanan ng mga tao dahil sa gagawin nitong talent. Georgina is determined to sing. Bilang concern pa rin naman ako kahit papaano sa ex-bestfriend ko, pumayag ako sa hiling niya.

Kaya heto ako ngayon, nakaupo lang sa isang silya ng Starbucks habang hinihintay ang reply ni George. Mabuti na lang at buong araw wala akong pasok ngayon kaya libre akong magturo ng sayaw sa kanya.

I tapped the mahogany table with my fingers just to keep my cool. Air-conditioned naman dito pero pinagpapawisan ako. Nakaka-tense.Kinuha ko ulit ang cellphone ko at tiningnan ulit.

As if naman makakakuha ako ng reply kapag gawin ko iyon. Nakakaloko na 'to. Hindi naman ako ganito dati pero ewan ko ba. Natetense ako. Pinaikot-ikot ko ang cellphone ko sa kamay nang nag-vibrate ito.

Kinakabahan man ay hindi ko pa rin maiwasang hindi ma-excite habang binubuksan ang message. Pero ang excitement na naramdaman ko ay napalitan ng inis... ng kirot.

From: Chicks

Who you? xD

 

Damn! That hurt my ego. So dinilete niya ang number ko? I let out a sigh and nodded. Ano pa ba inaasahan ko? Siyempre determinado na siyang kalimutan talaga ako.  Agad na nagtipa ako ng mensahe at sinend sa kanya. Sinabi ko din sa kanya na pumunta siya dito agad, pero hindi ko sinabi sa kanya kung bakit.

Chaks and Chicks In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon