Chapter 15: Her Story

4.4K 74 45
                                    

TRACY'S POV

"Saan 'to?" tanong ng driver ng FX na sinakyan ko habang hawak-hawak ang singkwenta pesos na ibinayad ko. Pauwi na ako ngayon at ito talaga ang daily routine ko. Hindi ako anak mayaman, wala kaming sasakyan at lalong wala ding katulong.

"Sa junction lang ho ako manong, isa lang." sagot ko sa driver at sumandal sa upuan at isinuot sa magkabilang tainga ang earphone. Kinuha ko ang cellphone at nagpatugtog.

Uuwi na naman ako sa bahay. Malamang lasing na naman si papa at ang tamad kong kapatid ay wala na namang ginawa kundi ang gumala. Nakakasawa na ang ganitong buhay. Gabi gabi na lang nadadatnan kong lasing si papa o di naman kaya nakahandusay sa banyo at puno ng suka ang damit. 

Kinalabit ako ng katabi kong babae. May katabaan siya at may mga alahas na suot, wari ko nasa mid 40's ang edad. "Junction na daw miss." untag niya sa akin. Nginitian ko ang babae tsaka bumaba. 

Naglakad ako ng kaunti papunta sa pila ng tricycle at sumakay papunta sa subdvision na tinitirahan namin. Labing limang libong piso ang upa namin sa bahay. Dalawang palapag ito at may banyo ang apat na kwarto. Fully furnished na ang bahay nang inupahan namin.

Sa totoo lang hindi namin kayang bayaran ang bahay na ito. Si papa ang tanging nagtratrabaho sa pamilya namin at hindi kasya ang kinikita niya sa pamamasada para bayaran pa ang upa ng bahay. Ako ang tanging may kakayahan para bayaran, hindi lamang ang upa kundi pati na rin ang electricity at water bills namin.

"Ito ho bayad ko." Inabot ko ang otso pesos sa tricycle driver at binuksan ang kulay berdeng kalawangin na gate para makapasok sa bahay.

Nadatnan kong lasing si papa na nakaupo sa sofa. Nagmano ako sa kanya bago pumunta sa kusina para kumuha ng tubig sa ref.

"Naglalasing na naman po kayo, 'pa. Gumastos na naman kayo." nayayamot na sabi ko habang nagsasalin ng tubig sa babasaging baso at uminom, "Nasaan pala si Boy-boy?" tanong ko na ang tinutukoy ay ang nakababata kong kapatid.

"Eh di nandoon sa girlpren niya. Hik! Walang kwenta ang batang iyan. Hindi nga mautusang bumili ng Empe sa kapitbahay, nag-gigirlpren pa! Hik! Ako pa ang pumunta sa tindahan para bumili." sagot ni papa matapos inumin ang sinalin na alak sa shot glass.

Naglakad ako papunta sa kinaroroonan niya at sinaid ang alak na nasa bote sa shot glass. Akala ni papa tagay iyon para sa kanya ngunit laking gulat niya nang bigla ko na lang iyon ininom na hindi man lang nag-chaser at nagpulutan. "Aba'y Tracy, bakit mo naman inubos ang alak?! Bilhan mo ako ng isa pa dun sa tindahan!"

Pinahid ko sa likod ng palad ko ang basang marka ng alak na nasa labi ko bago sumagot. "Goodnight, 'pa."

Umakyat na ako sa kwarto ko at nagbihis. Maya-maya lang ay kinuha ko sa bag ang kalachuchi at sulat mula kay Duke. Tiningnan ko muna ito at itinapon sa basurahan. Umupo ako sa gilid ng kama at tiningnan ang larawan ng isang magandang babae sa bedside table ko na nasa mid 50's- si mama.

Kinuha ko iyon at mariing tinitigan habang binabaybay ng aking hintuturo ang bawat anggulo ng mukha ni mama. "Para sayo ang lahat ng ito, 'ma. Para sayo."

Maya-maya lang ay tumunog ang cellphone ko. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at kinuha ang cellphone sa bag.

John is calling...

Kinakabahang pinindot ko ang answer button at kinausap ang nasa kabilang linya, "Jo- John! Napatawag ka? Hi- indi naman. Oo sinusunod ko naman iyon. Huwag! Huwag please para mo ng awa. Sumusunod naman ako eh. Sa katunayan everything is according to what has been planned. Oo, maghintay ka lang. Sige- Aray!" Bago pa man ako makapagpaalam ay binagsakan na agad ako ng telepono ng nasa kabilang linya. Nanlulumong napaupo ako sa kama at umiyak habang nakatingin sa larawan ni mama.

__________________________

A/N: Lame update! Mas mahaba pa sana 'to kaya lang kapag nilagay ko dito ang ibang scenes hindi na magtutugma ang title sa chapter na ito. Siguro nag-iisip kayo kung anong meron kay Tracy at sa tumawag na yan at siguro din nag-isip ang iba sa inyo kung bakit ang bilis lumabas ng twist na ito.

 

Huwag kayong mag-alala sinadya ko talaga. Planado na bawat scenes sa kuwentong ito. Hehe. Pero kahit lame ang update na ito sana nagustuhan niyo pa rin ito. :))

 

 

Sino nga pala gustong pa-dedicate? PM me. Hihihi!

Chaks and Chicks In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon