Chapter 31: Unforgettable

4.1K 77 24
                                    

A/N: I'd like to grab this opportunity to thank all of you guys for flooding the reads of CACIL. Natutuwa ako kasi ang bilis umani ng reads ng book na 'to. Hindi ko alam kung anong meron basta natutuwa ako. Haha. Nawiwindang din ako kasi parang nung Friday lang 24,000 'to, ngayon 25,632 na! Hahaha. Ang cucute niyo, mana kayo sa author! Wahaha. XD

Seriously, thank you so much osom people! You guys rock! \m/

_________________________________________________________

DUKE'S POV

"Naalala mo na naman ba si tito?" Umupo ako sa tabi niya.

Napakislot siya sa paglapit ko at agad na pinunasan ang mga luha gamit ang likod ng palad niya pero hindi siya nagsalita. "Hindi mo kailangang itago ang nararamdaman mo, Chicks. Hindi mo kailangang magpanggap na masaya ka dahil naiintindihan kita. Naiintindihan kong hanggang ngayon ay nalulungkot ka pa rin sa pagkawala ng daddy mo." sabi ko at kumuha ng bato sa gilid at ibinato iyon sa dagat.

Nakita ko sa peripheral vision ko na ipinilig niya ang kanyang ulo."Hindi mo ako naiintindihan, Duke."

"Naiintindihan kita, bestfriend kaya—"

"No, Duke. Hindi mo ako naiintindihan." putol niya sa sinabi ko nang lumingon siya sa akin. Namumula ang ilong niya at namumugto ang mga mata sa kakaiyak.

Gusto ko siyang aluin, gusto ko siyang yakapin at sabihin sa kanya na lilipas din ang lahat ng sakit na nararamdaman niya. Na makakalimutan din niya ang pangungulila sa isang ama. Pinahid ko ang luhang pumatak sa pisngi niya gamit ang hinlalaki ko ngunit tinabig niya lang iyon.

"Hayaan mo lang akong umiyak. Ang sakit sakit na kasi Duke eh. Hindi ko na kayang pigilan at tiisin ang sakit na nararamdaman ko, this is too much. Too much.." hagulgol niya.

Sa tinagal-tagal naming magkaibigan, ngayon ko lang siyang nakitang ganito kalungkot. Ayoko siyang kaawaan dahil alam kong ayaw niyang maramdaman iyon, pero sa kalagayan niya ngayon, hindi ko maiwasan ang makaramdam ng awa.

"Sige lang. Ilabas mo lang lahat ng iyan. Maiin-"

Tumawa siya ng pagak dahilan para matigilan ako. "Hindi mo ako naiintindihan, Duke. Hindi ka pa kasi namatayan. Hindi mo alam ang pakiramdam ng maging malungkot. Malungkot na malungkot." Suminghot siya at muling nagsalita. "Iyong pakiramdam na gustong gusto mong labanan ang lungkot na iyon pero wala kang magawa. Hindi mo alam ang pakiramdam ng makatulugang basa ang unan dahil sa kakaiyak at magising kinabukasan para umiyak na naman dahil hindi mo pa rin tanggap na iniwan ka na ng taong mahal mo." tumigil siya saglit at lumingon sa akin, "Kailanman hindi mo iyon maiintindihan dahil hindi ikaw ang iniwan, nawalan at nasaktan."

Natameme ako sa sinabi niya. Tama nga siya, hindi ko siya naiintindihan dahil hindi ko pa naranasan ang mamatayan, maiwan, mawalan at masaktan. Aminado akong malaki ang impact kay Georgina ang pagkawala ni tito dahil anak siya nito pero hindi ko inasahan na ganoon na lang kalalim ang sugat na natamo ni George sa pagkamatay ng daddy niya. Hindi ko maarok, hindi ko masukat kung gaano kalalim ang pinaghuhugutan ni George kaya wala akong nasabi kundi sorry.

"Sorry." Ginagap ko ang kamay niya at dinala iyon sa mga labi ko. A simple gesture I hope will make her feel that she's not alone. "I am really, really sorry, George." 

Muling tumulo ang mga luha niya at ngumiti ng pilit. "Are you really sorry, Duke?"

"Oo, kaya huwag ka ng umiyak." Binitawan ko ang hawak-hawak niyang kamay at pinunasan ang mga luha niya sa pisngi. "Mas nasasaktan ako kapag nakikita kitang ganyan eh. Kung pwede ko lang akuin ang lahat ng sakit na nararamdaman mo ngayon, gagawin ko maging okay ka lang."

Chaks and Chicks In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon