Chapter 5: Pinky Swear

5.5K 136 133
                                    

DUKE'S POV

"Duke, bakla! Bakla! Bakla!" pang-aasar sa akin ng mga bata sa palaruan. Paano kasi nakikipagkaibigan daw ako sa babae, si Georgina ang tinutukoy nila.

"Hindi siya bakla! Bleh!" pagtatanggol sa akin ni Georgina. Naglaro kasi kami ng lutu-lutuan kanina nang dumating ang mga pakialamerang bata. Hindi ako bakla ah, pinagbigyan ko lang si Georgina kasi nga nakikipaglaro din naman siya sa akin ng tex.

"Wala! Wala! Bakla! Bakla!" sabi pa ng isa. Pambihira, nawala na nga si Wyatt may pumalit naman sa trono niya.

"Hoy bakulaw!" Lumapit ako sa batang lalaking may pakana ng lahat. "Una hindi porke nakikipagkaibigan sa babae ang isang lalake eh bakla na! Pangalawa tingnan mo nga sarili mo, ni hindi ka pa nga nakakapaghilamos nandito ka na agad? Nagsama ka pa ng mga alipores mo na hindi man lang nagmumog! Mahiya naman kayo kay Georgina, bagong ligo na iyan at amoy pulbos pa. Eh kayo ano? Amoy pawis! O baka naman gusto niyong matulad kay Wyatt?"

Natigilan sila sa sinabi ko. Humingi sila ng sorry sa akin, pati na rin kay Georgina bago umalis.

"Ang galing galing mo naman!" ani Georgina sa akin.

"Ano ka ba, matagal na." pagmamayabang ko at nagpogi pose.

Ngumuso siya dahilan upang umusli na naman ang makapal niyang mga labi. "Hmmp! You are so mayabang eh no?"

"Haha! And your lips are so mahaba, like a chicken's beak." panggagaya ko sa kanya.

Hinampas niya ako sa braso at natawa. Eh totoo naman ah, mukha naman talagang tuka ng manok ang nguso niya. "Chicken! Chicken! Chicken!".

Hinampas na naman niya ako sa braso. "Stop it!"

"Ah alam ko na! Chicks na lang tawag ko sayo tutal bata ka pa naman, hindi ka pa mukhang chicken, mukha ka pang chicks."

"Eee. Nakakainis ka naman eh. Ikaw nga diyan, look at you, ang chaka chaka ng ilong mo, so big." aniya.

Napatingin ako sa kanya with my puzzled look. Ano daw? Chaka? Ano iyon?

"Anong chaka?" tanong ko sa kanya.

Tawa ng tawa si Georgina sa facial expression ko at sa tanong ko. "You don't know what chaka is?!"

"Hindi nga. Ano kasi iyon?"

"I learned that word from my yaya, it means ugly."

"Ugly?!" gulat na gulat kong reaction sa narinig. "Ibig mong sabihin pangit ang ilong ko?!"

Napakapa tuloy ako sa ilong ko kung totoo. Hmm parang malaki nga, pero hindi ko ito matatanggap. Lumaki ako na pinaniwala ang sarili ko na pogi ako! Pogi ako!

"You will surely laugh right now if you see the look on your face. Haha! Chaka! Chaka! Chaka!"

"Chicken! Chicken! Chicken! Ay hindi pala, chicks pala. Chicks! Chicks! Chicks! Nguso! Haha!" Balik tukso ko sa kanya.

Bigla siyang tumahimik at nalungkot. "Hey, Chicks, este! Georgina, sorry. Sorry na. Hindi ko na uulitin."

Maya-maya lang ay tumingin siya sa akin at sumilay ang matamis na ngiti sa kanyang cute na mukha. "I got you! Haha! I gotta go Chaks!" bigla niyang binitbit ang mga dala niyang laruan at kumandirit na pauwi.

Chaks and Chicks In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon